Pagbubuntis ni Angeline Quinto, kinumpirma ni Ogie Diaz

Kinumpirma ni Ogie Diaz ang pagbubuntis ni Angeline Quinto.

Pagbubuntis ni Angeline Quinto, kinumpirma ni Ogie Diaz-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/09/2021 02:06 PM
Pagbubuntis ni Angeline Quinto, kinumpirma ni Ogie Diaz
Photo credits to @Ogie Diaz Showbiz Update on Youtube

Kinumpirma ng entertainment columnist na si Ogie Diaz ang pagbubuntis ng Kapamilya star na si Angeline Quinto.

Sa isang vlog, ibinahagi ni Ogie na limang buwang buntis na si Angline sa kanyang non-showbiz boyfriend.


“Kasi may common friend kami ni Angeline na nag-chika sa akin na five months ng preggy sa isang non-showbiz at lalaki ang first baby. Yehey,” ani Ogie. Nang sabihin ng kanyang co-host na si Mama Loi na sana ay totoo ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa pagbubuntis ni Angeline, muling sinabi ni Ogie Diaz na totoo ito.

“Anong sana totoo? Totoo nga! Totoo!” sey ni Ogie.

Unang kumalat ang usap-usapan tungkol sa pagbubuntis ni Angline noong nakaraang buwan. 

Gayunpaman, wala pang ibinibigay na kumpirmasyon sa ngayon si Angeline tungkol sa kanyang pagbubuntis.  

READ: Angeline Quinto confirms being in a relationship

Unang kinumpirma ni Angeline na may karelasyon siyang non-showbiz guy noong nakaraang taon.