Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 4 | Pushpins

Narito ang ilan pang mga artistang ikinasal ngayong 2021.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/26/2021 08:00 AM
Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 4 | Pushpins
Photo credits to @trinalegaspi, @mercadojenny, @maria.ellen.adarna, and @hashtag_nikko Instagram

Maraming plano ang binago ng 2021 dahil sa pandemya pero ika nga ng marami, "Love conquers all."  

Kaya naman love still found its way to the hearts of these celebrities na piniling ikasal ngayong taon.  

Sinu-sino sila?       


Let's find out.     

 

1.     Ellen Adarna & Derek Ramsay 

Ginulat nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang marami nang ibahagi ng dalawa sa kanilang social media accounts ang ilang litrato mula sa kanilang kasal. 

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Ellen at Derek sa Rancho Bernardo resort sa Bataan noong November 11, 2021. 

Dumalo sa kasalan ang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng dalawa. Ang anak naman ni Ellen na si Elias ang nagsilbing ring bearer. 

Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong March, isang buwan matapos nila isapubliko ang kanilang relasyon. 

 

2.     Nikko Natividad & Cielo Eusebio 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

Ikinasal na rin si Hashtag Nikko Natividad sa kanyang longtime partner na si Cielo Eusebio noong October 31, 2021. 

Nag palitan ng “I Do’s” ang dalawa sa harap ng kanilang pamilya at ilang kaibigan sa isang resort sa Nasugbu, Batangas. 

Ibinahagi ng dalawa ang kanilang engagement noong August sa pamamagitan ng isang vlog. 

Mayroon ng isang anak sina Nikko at Cielo na si Aiden. 

READ: Nikko Natividad of Hashtags gets married

 

3.     Trina Legaspi & Ryan Jarina 

Former Goin' Bulilit star Trina Legaspi and Ryan Jarina tied the knot last November 20, 2021. 

Ilan sa mga dumalong celebrity friends ni Trina ay sina John Manalo, Igi Boy Flores, Eliza Pineda, at CJ Navato. 

Kabilang din sa bridesmaids sina Liza Soberano at Michelle Vito. 

Mas maaga dapat ang original date ng kanilang kasal ngunit na-postpone ito dahil nagkaroon ng COVID-19 ang pamilya ni Trina. 

The two got engaged last November 2020 after being together for six years. 

READ: Trina ‘Hopia’ Legaspi, kinasal na

 

4.     Jennylyn Mercado & Dennis Trillo 

Kasal na rin ang longtime partners na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na ginanap noong November 2021. 

Sa ibinahaging litrato ni Jennylyn ay makikitang ikinasal ang dalawa sa isang intimate civil wedding ceremony habang sila ay nakasuot ng matching suits. 

Unang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong October 2021, kasabay nito ay ibinalita rin ng dalawa na buntis si Jennylyn. 

Naging magkarelasyon sina Jennylyn at Dennis noong 2010 ngunit naghiwalay din noong 2011. 

Muling nagkabalikan ang dalawa taong 2014 at noong January 2021 ay ipinagdiwang nila ang kanilang 7th anniversary as a couple. See more of these sweet couples in this episode of Pushpins. 

Kanino ang paborito niyong kasal?