• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Albie Casino na na-attract siya sa ‘Pinoy Big Brother: Kumunity’ celebrity housemate na si Shanaia Gomez.

Albie Casino, inaming na-attract kay Shanaia Gomez

Inamin ni Albie Casino na na-attract siya sa ‘Pinoy Big Brother: Kumunity’ celebrity housemate na si Shanaia Gomez.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/09/2021 09:42 AM
Albie Casino, inaming na-attract kay Shanaia Gomez
Photo credits to @thestallion09 & shanaiagomez on Instagram

Inamin ni Albie Casino na na-attract siya sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity housemate na si Shanaia Gomez.

Sa Magandang Buhay nitong Miyerkoles, Disyembre 8, sinabi ng aktor na tanging si Shanaia lamang ang babaeng nagustuhan niya noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya.

"Si Shanaia lang talaga," aniya.
 


Nang tanungin kung payag ba siyang antayin si Shanaia, sinabi ni Albie na isa ang 19-year-old singer sa nais niyang makapasok sa PBB Big Four.

Dagdag niya: "Gusto ko lang matupad 'yung promise niya na magta-try siya ng sisig. Kasi sabi niya, she doesn't like sisig. So sabi ko, 'How can you not like sisig?' It's imposible, 'di ba? Pinoy ka ba?"

Samantala, sa programa ay ibinahagi rin ni Albie kung paano nabago ang kanyang buhay sa pagsali niya ng PBB.

BASAHIN: Albie Casino on his initial PBB experience: ‘I really hated it there’

Ayon sa aktor, marami siyang napagtanto tungkol sa kanyang sarili noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya.

"Sa loob kasi ng house, wala ka talagang ibang magawa except to, like, look at yourself, alam mo 'yun. Kasi sa outside world, dito, you have a cellphone, TV, books, alam mo 'yun. Meron kang way na, kunyari, naiisip mo 'yung aspect sa sarili mo na hindi maganda, and that's not easy to do, eh. Na nakikita mo 'yung sarili mo in that light," aniya.

"Dito sa labas, I'll just get my phone, I'll go through social media, or I'll watch TV or something. Pero doon, wala kang choice but to look at yourself and realize na marami ka ring hindi magandang ugali."

Dagdag pa ni Albie, malaking tulong ang pagsali niya ng PBB sa kanyang "healing journey" mula sa mga isyu at kontrobersiyang kinasangkutan niya noon. 

"[I'm still] in the process of healing. Hindi pa siya fully healed pero malaking tulong sa akin ang nagawa ng 'PBB' because I said I was like forced to look at myself," sabi niya. "I did Toni Talks at may sinabi sa akin si Ate Toni (Gonzaga) na forgive yourself first before you can forgive other people."

BASAHIN: Albie Casiño, nag-sorry sa mga binitawang salita tungkol kay Andi Eigenmann

Taos-puso rin umanong nagpapasalamat ang aktor sa PBB dahil dito niya naramdaman kung gaano siya kamahal ng kanyang mga tagahanga. 

"I know naman I'm loved by my friends and my family, pero for the longest time, laging negative 'yung presence ko sa social media. Siguro dahil sa mga previous issues that I've had. Ngayon, first time kong maramdaman na talagang mahal na mahal ako ng Kumunizens dahil sa PBB. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa opportunity na binigay sa akin ng PBB. Because now, people love me for just who I am as a person. I'm not trying to do anything, they don't love me because I played a character that they like. They love me for who I am, and I can't thank PBB enough for that," aniya.

Matatandaang si Albie ang pangalawang housemate na na-evict mula sa Bahay ni Kuya. Napapanood ang PBB sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.