Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 3 | Pushpins

Narito pa ang ilang mga artistang ikinasal ngayong 2021.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/25/2021 08:32 AM
Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 3 | Pushpins
Photo credits to @niceprintphoto @nelwinuyphoto @gwenzamora & @ritazul on Instagram

Maraming plano ang binago ng 2021 dahil sa pandemya pero ika nga ng marami, "Love conquers all."

Kaya naman love still found its way to the hearts of these celebrities na piniling ikasal ngayong taon.

Sinu-sino sila?


Let's find out. 

 

1. JC De Vera & Rikkah Cruz 

atlong taon matapos ang kanilang civil wedding ay muling pinakasalan ni JC de Vera si Rikkah Cruz sa isang church wedding.

Ginanap ang kanilang second wedding sa San Antonio de Padua Church sa Cavite noong September 2021.

Unang plano ng mag-asawa na ituloy ang church wedding noong 2020 ngunit na-postpone ito dahil sa COVID-19.

Sina JC at Rikkah ay mayroon ng 3-year-old daughter na si Lana Athena. 

LOOK: JC de Vera marries wife Rikkah Cruz for a second time

 

2. Carla Abellana & Tom Rodriguez 

 

Isang church wedding naman ang naging selebrasyon ng pag-iisang dibdib nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

The couple, who has been together for over seven years, exchanged vows at San Juan Nepomuceno Parish Church in Batangas last October 23, 2021.

Noong March ay inanunsyo ng dalawa na sila ay engaged na at noong October 2020 pa naganap ang proposal.

Bago maging sila ay ilang beses na rin naging mag-asawa sa teleserye sina Carla at Tom.

READ: Carla Abellana and Tom Rodriguez get married

 

3. Gwen Zamora & David Semerad 

Gwen Zamora and David Semerad tied the knot on February 13, 2021 in France.

Ibinahagi ni Gwen sa kanyang Instagram ang mga litrato sa kanilang civil ceremony at wedding celebration.

Na-engage ang dalawa noong May 2019 na kasabay ng gender reveal party ng ipinagbubuntis noon ni Gwen.

Ngayon ay mayroon ng 2-year-old son sina Gwen at David na si Cooper John. 

 

4. Ritz Azul & Allan Guy 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ritz Alzul-Guy (@ritzazul)

Ritz Azul married non-showbiz boyfriend Allan Guy last November 20, 2021 after being engaged for over a year.

Ginanap ang intimate wedding ng dalawa sa Bagio City.

Sa ilang Instagram posts ay ibinahagi ni Ritz ang mga litrato mula sa kanilang chic-country side wedding. 

Ang ilan sa mga ito ay nilagyan niya ng caption na "Love of my life" at "A journey full of love with you." 

READ: Ritz Azul gets married

See more of these couples in this episode of Pushpins. 

Kanino ang paborito niyong kasal?