• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinaghandaan ni Marian Rivera ang special participation sa 70th edition ng Miss Universe pageant.

Marian Rivera dumating na sa Israel; makikipag talbugan sa Miss Universe

Pinaghandaan ni Marian Rivera ang special participation sa 70th edition ng Miss Universe pageant.

Marian Rivera dumating na sa Israel; makikipag talbugan sa Miss Universe-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/08/2021 11:34 AM
Marian Rivera dumating na sa Israel; makikipag talbugan sa Miss Universe
Photo credits to @marianrivera Instagram

Dumating na sa Eliat, Israel ang aktres na si Marian Rivera para sa 70th edition ng Miss Universe pageant.

Isa ang TV host-actress sa mga handpicked ng Miss Universe Organization para maging bahagi ng selection committee para kilalanin ang mga kandidata ng 2021 Miss Universe pageant kung saan lalaban ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

Sa uploaded photos ng official Facebook page ni Marian, makikita na kasama ng aktres sa kaniyang biyahe ang sariling glam team at ang mister na si Dingdong Dantes.


Marian-arrives-in-israel-3.jpg

photo courtesy @marianrivera Instagram story.

Arrival pa lang sa Israel kung saan gaganapin ang 70th edition ng Miss Universe, umarangkada na sa OOTD ang aktres na agaw pansin sa kaniyang arrival look.

Photo courtesy: @melvillesy IG story

Ayon sa ulat nang ABS-CBN News, makakasama ng aktres bilang selection committee sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, Tali Eshkoli, Coco Rocha, Lyrica Okano, Daniel Rubino, at vlogger Patrick Starr.

Sa ngayon, isa si Marian sa mga posibleng humarap sa mga kandidata sa gaganapin na closed door interview at posible rin maging bahagi ng selection committee sa preliminary competition na gaganapin ngayong December 10.

Sa darating na December 13 (Manila Time) mapapanood ang live telecast ng Miss Universe sa A2Z channel 11.