• Home
  • Fresh Scoops
  • Napanood niyo rin ba ang mga patok na programang ito ng Kapamilya network?

Long-running Kapamilya teleseryes Part 2 | Pushpins

Napanood niyo rin ba ang mga patok na programang ito ng Kapamilya network?

Long-running Kapamilya teleseryes Part 2 | Pushpins    -Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/01/2022 08:10 AM
Long-running Kapamilya teleseryes Part 2 | Pushpins

Sa loob ng maraming dekada ay patuloy ang ABS-CBN sa paggawa ng mga dekalibreng pelikula at teleserye.

Karamihan sa mga ito ay talagang minahal, tinutukan, at sinundan ang bawat kwento ng iba't ibang karakter.

Gaya na lamang ng mga teleseryeng tumagal ng isang taon at mahigit pa sa ere.


Anu-ano ito?      

Saan Ka Man Naroroon Ang teleserye na Saan Ka Man Naroroon ay napanood sa loob ng isang taon at labing isang buwan na nagsimula noong 1999.

Isa ito sa pinakatumatak na karakter ni Claudine Barretto dahil hindi lamang isa ang role niya rito, kundi tatlo.

It follows the story of triplets who were separated at birth and have different characteristics. 

Dahil dito ay nagkaroon din ng tatlong leading man si Claudine na ginampanan nina Rico Yan, Diether Ocampo, at Leandro Muñoz.  

Sa Puso Ko Iingatan Ka

Umabot ng dalawang taon at isang buwan sa ere ang teleseryeng Sa Puso Ko Iingatan Ka nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Ito ay tungkol sa kwento ng paghahanap ng karakter ni Judy Ann ng komportableng buhay matapos pagdaanan ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang stepsister at stepfather.

Ito ay ang pangalawang proyektong pinagtambalan nina Piolo at Judy Ann, na nasundan pa ng maraming pelikula gaya ng Kahit Isang Saglit at 'Till There Was You.

Kasama rin sa teleserye ang mga batikang aktor na sina Coney Reyes, Edu Manzano, at Cherry Pie Picache.  

Be Careful with My Heart

Isa rin ang Be Careful with My Heart na talagang tinutukan ng marami kaya't ito ay nanatili sa ere ng dalawang taon at apat na buwan.


Marami ang kinilig sa love story nina Maya at Sir Chief na ginampanan ng tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

It follows the story of Maya, a helper at Sir Chief's household, who later found herself involved in his and his children's private lives.

Sumikat din ang mga karakter nina Jerome Ponce, Janella Salvador, at Mutya Orquia dahil sa teleserye.

Dahil naging hit ang serye sa Pilipinas ay nagkaroon din ito ng international broadcast sa Vietnam at Malaysia. 

Mara Clara 

Ang Mara Clara ay isa sa pinaka-successful serye ng Kapamilya network at napanood sa loob ng apat na taon at anim na buwan. Nagkaroon pa ito ng movie adaptation.

Ang serye ay pinangunahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na ginampanan ang karakter nina Mara at Clara who were switched at birth.

Dahil sa seryeng ito at pagganap nina Judy Ann at Gladys sa kanilang mga karakter ay pinangalanan sila ng media bilang dramatic actress at prima kontrabida.

Noong 2010 ay nagkaroon ng remake ang teleserye, which was headlined by Kathryn Bernardo and Julia Montes. 

FPJ’s Ang Probinsyano

Ang FPJ's Ang Probinsyano ay tumagal na ng higit anim na taon at kasalukuyan pa rin na umeere ngayon.

Ang action-drama series na ito ay hango sa 1997 Fernando Poe Jr. series na ngayon ay pinagbibidahan ni Coco Martin.

Dahil sa mataas na ratings ay patuloy ang pag-extend nito kung saan maraming artista na ang naging parte ng teleserye.

Kabilang si Julia Montes sa mga bagong karakter na ipinakilala ngayong 2021.

Kamakailan ay inanunsyo rin ng Dreamscape at ABS-CBN na kasama na rin sa teleserye ang batikang aktres na si Sharon Cuneta.

Balikan ang mga programang ito sa episode na ito ng Pushpins.