• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasubaybayan niyo rin ba ang mga long-running Kapamilya teleseryes na ito?

Long-running Kapamilya teleseryes Part 1 | Pushpins

Nasubaybayan niyo rin ba ang mga long-running Kapamilya teleseryes na ito?

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/31/2021 08:00 AM
Long-running Kapamilya teleseryes Part 1 | Pushpins

Sa loob ng maraming dekada ay patuloy ang ABS-CBN sa paggawa ng mga dekalibreng pelikula at teleserye.

Karamihan sa mga ito ay talagang minahal, tinutukan, at sinundan ang bawat kwento ng iba't ibang karakter.

Gaya na lamang ng mga teleseryeng tumagal ng isang taon at mahigit pa sa ere.


Anu-ano ito?

Let's find out.     

May Bukas Pa Ang May Bukas Pa ay napanood ng isang taon. Nagsimula ito noong February 2, 2009 at natapos ng February 5, 2010.

May Bukas Pa follows the story of Santino who can talk to Jesus who he calls "Bro" and was given the power to heal.

Ang aktor na si Zaijan Jaranilla ang gumanap bilang Santino, kung saan ito rin ang kanyang pinakaunang lead role.

Ilan pa sa mga artistang gumanap sa teleserye ay sina Albert Martinez, Jaime Fabregas, at Dominic Ochoa. 

Sana’y Wala Nang Wakas Tumagal ng isang taon at dalawang buwan ang teleseryeng Sana'y Wala Nang Wakas na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

It follows the story of how EchoTin's characters battle the odd twists of their fate in the hope of protecting their relationship.

Naging regular din sa series ang mga aktor na sina Diether Ocampo at Angelika Dela Cruz.

Dahil naging hit ito ay binigyan ang mga viewers na pagkakataong pagbotohan kung sino sa mga karakter nina Jericho at Diether ang makakatuluyan ng karakter ni Kristine.

Sa huli ay ang EchoTin love team pa rin ang nagwagi at ikinasal ang mga karakter nila sa pagtatapos ng teleserye. 

Kadenang Ginto Umabot ng isang taon at apat na buwan ang pag-ere ng Kadenang Ginto sa afternoon block ng Kapamilya network.

Kinagiliwan ng mga manonood ang serye dahil sa kwento at mga eksena. Isa na rito ang pag-aagawan ng mana ng pamilya Mondragon.

The cast is composed of teen stars, which includes Francine Diaz, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, and Seth Fedelin, which was later on called The Gold Squad.

Kasama rin sa lead cast ang mga veteran actors na sina Albert Martinez, Beauty Gonzales, at Dimples Romana. 

Doble Kara sang taon at limang buwan napanood ang Doble Kara na pinagbidahan ni Julia Montes at gumanap ng hindi lang isa kundi dalawang roles sa serye.

Ito ay tungkol sa kwento ng kambal na sina Kara at Sara, and how jealousy, identity, and deceit will test their sisterhood.

The series was only supposed to air for 1 season but was extended until season 6 because of its consistent high ratings.

Dito rin nakuha ni Julia ang bansag sa kanya ng media na "Daytime Drama Queen."  

Pangako Sa ‘Yo  

Napanood ang Pangako Sa 'Yo nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa loob ng isang taon at sampung buwan.