• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkaroon ng mini-reunion ang cast ng ‘Mga Anghel Na Walang Langit.’

Cast ng ‘Mga Anghel na Walang Langit’, muling nagsama-sama

Nagkaroon ng mini-reunion ang cast ng ‘Mga Anghel Na Walang Langit.’

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/08/2021 12:13 PM
Cast ng ‘Mga Anghel na Walang Langit’, muling nagsama-sama
Photo credits to @manalojohn Instagram

Nagsama-sama ang cast ng sikat na ABS-CBN drama series na Mga Anghel Na Walang Langit.

Sa isang litrato na ibinahagi ni John Manalo nitong Linggo, ika-5 ng Disyembre, makikitang kasama niya sina Sharlene San Pedro, Miles Ocampo, at Carl Barrameda.


Ani John, biglaan ang kanilang naging reunion. Ang magkakaibigan ay kilala din sa pagiging parte nila ng sikat na kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Maging si Miles ay nagbahagi din ng mga litrato sa naganap nilang reunion sa kanyang Instagram stories. 

‘Mga Anghel Na Walang Langit’ stars recreate photo after 14 years

"Biglaang reunion with my Anghel kapatids. We miss you, Enchang," ani Miles. 

Samantala, hindi naman nakadalo ang isa pa nilang kaibigan at co-star na si Nikki Bagaporo.

Umere ang Mga Anghel Na Walang Langit mula 2005 hanggang 2006 sa ABS-CBN. 

Si Maryo J. De Los Reyes ang direktor ng nasabing serye na umiikot sa kwento ng mga batang lansangan.

Samantala, si Kristel Fulgar naman ang umawit ng theme song ng nasabing kanta. 

Hango ang nasabing serye sa pelikula ni Fernando Poe Jr. na Mga Anghel Na Walang Langit.

Si FPJ din ang sumulat ng nasabing pelikula kung saan ginamit niya ang kanyang pangalan na Ronwaldo Reyes.