• Home
  • Fresh Scoops
  • Pansamantala munang maninirahan sina Ai-Ai Delas Alas at ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan sa US.

Ai-Ai Delas Alas, nakarating na sa US kasama ang asawa: ‘Start na ng buhay naten together’

Pansamantala munang maninirahan sina Ai-Ai Delas Alas at ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan sa US.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/08/2021 06:40 PM
Ai-Ai Delas Alas, nakarating na sa US kasama ang asawa: ‘Start na ng buhay naten together’
Photo credit to @msaiaidelasalas Instagram

Nakarating na ng Amerika noong Sabado, ika-4 ng Disyembre, ang mag-asawang Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan kung saan pansamantala muna silang maninirahan sa US.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ai-Ai ang isang litrato na kinuhanan sa Dulles International Airport sa Virginia, USA. 


“Parang para sa amin ang caption,” ani Ai-Ai na nagpa-picture sa isang area ng airport na may nakalagay na “Your Journey Begins With Us.”

READ: Ai-Ai Delas Alas is proud of her husband Gerald Sibayan’s weight loss transformation

“Yes North Virginia, here we come. Our journey begins here,” aniya. 

Ani Ai-Ai, ito ang simula nang bago at payak nilang pamumuhay bilang mag-asawa.  

“Thank you dear Lord and Mother Mary, we landed safely. Love you my darling this is it start na ng buhay naten together,” aniya.

Gayunpaman, nilinaw ni Ai-Ai na hindi niya lilisanin ang Pilipinas at nagbabakasyon lamang siya doon. 

“@emilatte12 bukas nandyan na ko ulit hahaha ... hindi naman bakasyon lang,” sagot ni Ai-Ai sa isang netizen. 

READ: Ai-Ai delas Alas, nagluluksa sa pagpanaw ng discoverer at kaibigan dahil sa COVID-19

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi naman ni Ai-Ai ang iba’t-ibang adventure nila bilang mag-asawa pagkarating nila ng US gaya ng unang beses nilang magpagasolina sa isang gasoline station. 

Halatang enjoy anamn si Ai-Ai sa kanyang bagong buhay sa US kung saan nakapag-TikTok pa siya. 

Samantala, ibinahagi naman ni Gerald kung paano nila nilalabanan ang lamig sa US kung saan umabot ang 9 degrees celsius ang temperatura kung saan sila nanatili ngayon. 

Inanunsyo ni Ai-Ai ang kanyang engagement kay Gerald Abril noong taong 2013. Samantala, ikinasal naman sila Nobyembre ng parehang taon.