• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinu-sino nga ba ang mga celebrity couples na ikinasal ngayong taon? Find out in the part 2 of this Pushpins.

Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 2 | Pushpins

Sinu-sino nga ba ang mga celebrity couples na ikinasal ngayong taon? Find out in the part 2 of this Pushpins.

Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 2 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/24/2021 08:00 AM
Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 2 | Pushpins
Photo credit to @nacinorocco, @therealaramina, @yamconcepcion, @krisbernal and @sampinto_ Instagram

Maraming plano ang binago ng 2021 dahil sa pandemya pero ika nga ng marami, "Love conquers all."  

Kaya naman love still found its way to the hearts of these celebrities na piniling ikasal ngayong taon.  

Sinu-sino sila?


Let's find out.

 

1.     Yam Concepcion and Miguel Cuunjieng

Longtime couple Yam Concepcion and Miguel Cuunjieng tied the knot in an intimate civil ceremony last July 25.

Ginanap ang kasal sa New York City habang nakasakay sila sa yate kung saan kita sa view ang Statue of Liberty.

Sa wedding vow ni Miguel ay binasa niya ang isang letter na sinulat niya para kay Yam noong 2015.

Unang isinapubliko ng dalawa ang kanilang engagement noong June 2021 at sinabing December 2018 pa naganap ang proposal.

READ: Yam Concepcion turns emotional in wedding video with non-showbiz husband

 

2.     Ara Mina and Dave Almarinez

Ikinasal sina Ara Mina at Dave Almarinez noong June 30, 2021 sa Baguio City.

Star-studded ang naging kasal ng dalawa na dinaluhan ng pamilya, mga kaibigan, at showbiz friends ni Ara.

Ilan sa mga artistang dumalo ay sina Jessa Zaragoza, Barbie Imperial, Melissa Ricks, Samantha Bernardo, at Jenny Miller.

Kasali rin sa entourage ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes.

Ara and Dave got engaged in January 2021 after dating for three years.

READ: Official wedding video of Ara Mina and Dave Almarinez

 

3.     Kris Bernal and Perry Choi

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Sa isang livestream ay ibinahagi nina Kris Bernal at Perry Choi ang wedding ceremony nilang dalawa na ginanap noong September 25, 2021.

Sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati ikinasal ang dalawa na napalibutan ng maraming sunflowers.

Plano ng dalawa na ikasal noong June ngunit na-postpone ito dahil sa COVID-19 surge.

Unang nagkakilala sina Kris at Perry noong 2016, at na-engage naman noong February 2020.

READ: Kris Bernal marries Perry Choi

 

4.     Sam Pinto and Anthony Semerad

Isa rin ang couple na sina Sam Pinto at Anthony Semerad sa mga nagpakasal ngayong taon.

The two exchanged vows at a hotel in Pasay City, which was only attended by four guests.

Unang plano nina Sam at Anthony ang pagkakaroon ng beach wedding na gaganapin sana noong December 2020.

Noong September ay ipinanganak na ni Sam ang kanilang first baby na pinangalanang Mia Aya.

READ: Sam Pinto, Anthony Semerad tie the knot

 

5.     Rocco Nacino and Melissa Gohing

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Ikinasal sina Rocco Nacino at Melissa Gohing dalawang buwan matapos nilang ma-engage noong November 2020.

The two exchanged “I Do's” at the deck of a ship in a military wedding held at Pier 13 in South Harbor, Manila.

Dahil private wedding ang naging selebrasyon ay nagkaroon din ng video conference sina Rocco para sa mga kaibigan at pamilya na hindi nakadalo.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong September 2017.

READ: Rocco Nacino at Melissa Gohing, ikinasal na

See more of these couples in this episode of Pushpins.

Stay tuned for the part 3 of this 2021 celebrity weddings feature of Pushpins.