• Home
  • Fresh Scoops
  • Kilalanin ang mga celebrity couples na kinasal ngayong 2021.

Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 1 | Pushpins

Kilalanin ang mga celebrity couples na kinasal ngayong 2021.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/23/2021 08:00 AM
Mga artistang ikinasal ngayong 2021 Part 1 | Pushpins
Photo credit to @mellyricks09, @senorita_jessy, @therealangellocsin, @itsempressita and @bianca_king Instagram

Maraming plano ang binago ng 2021 dahil sa pandemya pero ika nga ng marami, "Love conquers all."

Kaya naman love still found its way to the hearts of these celebrities na piniling ikasal ngayong taon.

Sinu-sino sila?    


Let's find out.

1. Angel Locsin and Neil Arce

Naging Mrs. Arce na si Angel Locsin nang ikasal ito kay Neil Arce noong July 26, 2021 sa isang civil wedding ceremony sa Taguig.

Sa isang vlog na inilabas ni Angel noong August 14 ay ibinahagi ng mag-asawa ang isang never-before-seen video mula sa kanilang intimate wedding.

Dito ay inamin din nila na mayroon na silang church wedding venue at prenuptial shoot na gagawin sana sa Finland ngunit hindi ito natuloy dahil sa banta ng COVID-19.

Samantala, June 2019 nang inanunsyo ni Angel na siya ay engaged na kay Neil.

2. Empress Schuck and Vino Guingona

Noong March 6, 2021 ay ikinasal si Empress Schuck sa kanyang longtime partner na si Vino Guingona.

Ginanap ang kasal ng dalawa sa Tagaytay na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Sa kanilang wedding vows ay ibinahagi Empress at Vino kung paano nagsimula ang kanilang love story 11 years ago.

The couple got engaged in September 2019 during the fifth birthday of their daughter.

3. Bianca King and Ralph Wintle

Ginulat naman ni Bianca King ang marami nang magpost ito noong June 4 sa kanyang Instagram page ng litrato nila ng partner na si Ralph Wintle.

Sinamahan ni Bianca ang litrato ng caption na "Married in our living room."

Sa Sydney, Australia ikinasal ang dalawa kung saan nakabase si Ralph. Samantala, si Bianca naman ay lumipat na rin sa Australia simula noong 2020.

Si Ralph ay ang nakababatang kapatid ni Ben Wintle na asawa naman ng aktres na si Iza Calzado.

4. Jessy Mendiola and Luis Manzano

Jessy Mendiola and Luis Manzano tied the knot last April 2021 in Lipa City, Batangas.

Isang intimate wedding ceremony ang ginanap na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Inanunsyo ng dalawa na sila ay kasal na nang ibahagi nila ang ilang litrato at videos na kuha mula sa wedding ceremony.

Apat na taon naging magkarelasyon sina Jessy at Luis before their engagement last December 2019.

5. Melissa Ricks and Michael Macatangay

Ginanap ang simple wedding ceremony nina Melissa Ricks at Michael Macatangay noong May 23, 2021 sa California, USA.

Sa kanyang post ay ibinahagi ni Melissa na tatlong linggo lamang ang naging preparation ng kanyang kasal.

The wedding reception took place in her stepdad's backyard na dinaluhan lamang ng 15 katao.

Melissa and Michael got engaged in August 2019.

See more of these couples in this episode of Pushpins.

Stay tuned for the part 2 of this 2021 celebrity weddings feature of Pushpins.