• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay KD Estrada, malinaw na ang lahat sa pagitan nila ni Anji Salvacion.

KD Estrada, tanggap na friends lang sila ni Anji Salvacion

Para kay KD Estrada, malinaw na ang lahat sa pagitan nila ni Anji Salvacion.

KD Estrada, tanggap na friends lang sila ni Anji Salvacion-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/07/2021 10:36 AM
KD Estrada, tanggap na friends lang sila ni Anji Salvacion

Sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, tinanggap na ni KD Estrada na hanggang pagkakaibigan lang ang kayang maibigay sa kanya ng kapwa housemate niyang si Anji Salvacion.

Nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap sina KD at Anji sa “friendly date” ng dalawa. Inamin ni KD na unti-unti nang naghihilom ang sakit na nararamdaman niya sa sa kanyang puso.

Tinanong ni KD si Anji kung maaari siyang magkwento sa kanya. Pag-amin ni Anji, umiyak siya dahil tingin niya may nagawa na naman siyang mali. 


"You know I was crying yesterday. There's just something that was opened up. And I felt like that it was my fault again. They think na you might get the wrong idea again and maybe daw you're not telling me the truth," sagot ni Anji kay KD. 

WATCH: Anji Salvacion tells KD Estrada: ‘There will never be a chance’

"The truth about what? What I feel?" tanong ni KD kay Anji na naguguluhan pa.

Dito, inamin na ni KD na nagsinungaling siya dahil naniniwala siyang ito ang mas nakabubuti. Gayunpaman, mas pagtutuunan umano muna niya ang kanyang sarili ngayon.

"Well. In all honesty, yeah, I lied. But the reason why I lied, it's a bad thing for the good reason. I lied because I didn't want to make you feel pressured,” pagpapatuloy ni KD. 

“Right now, I am focusing on myself. I mean I can't erase it like just, like that. ... but it's more healthy na," dagdag pa niya.

KD Estrada receives message from his father: 'You were never a burden'

Proud naman umano si Anji kay KD lalo pa’t ito lang umano ang kanyang ikinababahala. 

"That's good. I am proud of you and that's the only think that makes me worried a lot," ani Anji. 

Matatandaang una nang hinarap ni Anji si KD upang kausapin tungkol sa kanyang nararamdaman para kay KD kung saan sinabi niyang hanggang kaibigan lang talaga ang turingan nila sa isa’t-isa. 

Sa nasabing episode, kinausap din ni KD si Big Brother kung saan sinabi niyang masaya siya na malinaw na ang lahat.