• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinompronta ni Alexa Ilacad si Eian Rances tungkol sa isang episode ng ‘Pinoy Big Brother.’

Alexa Ilacad sa pag-walkout ni Eian Rances: ‘Ang bastos kausap’

Kinompronta ni Alexa Ilacad si Eian Rances tungkol sa isang episode ng ‘Pinoy Big Brother.’

Alexa Ilacad sa pag-walkout ni Eian Rances: ‘Ang bastos kausap’ -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/07/2021 03:07 PM
Alexa Ilacad sa pag-walkout ni Eian Rances: ‘Ang bastos kausap’

Naging mainit ang pag-uusap sa pagitan ng mga housemates na sina Alexa Ilacad at Eian Rances sa isang episode ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Pinag-usapan nina Alexa at Eian ang tungkol sa naging pagpitik ni Eian kay Alexa habang kino-comfort ito upang maibsan ang kanyang pagkalungkot.


Ani Eian, paulit-ulit umano si Alexa at tila pinagmumukha pa siyang bata ni Alexa habang kino-comfort umano siya.

“Kasi perfect timing sila mag-comfort. At ayoko ‘yung kino-comfort ako na para ako ginagawang bata. At ayoko ‘yung paulit-ulit ka,” saad ni Eian. 

READ: Albie Casiño expresses dismay about Alexa Ilacad’s behavior in the ‘PBB’ house

Ngunit giit ni Alexa: “Hindi naman kita kino-comfort eh. Chine-check ko sana kung okay lang.” 

“Hindi ko deserve ‘yung pitik na ‘yun,” ani pa ng dalagang aktres. 

Ani Eian, naguguluhan siya sa mga ikinikilos ni Alexa. 

“May mga bagay talaga na kahit hindi tayo nag-uusap, actions mo nakilala kita as a person, ang salita mo, kung paano ka talaga. Sabi ko hindi talaga match ‘yung personality mo sa personality…

“Kaya ko sinabi na parang lahat ng pasok mo, off. Hindi ko alam kung kailan ka totoo, kung kailan ka hindi totoo. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ’to sa’yo,” dagdag pa ni Eian.

“That is so offensive. Tingin mo gumagawa ako ng love team?” hirit ni Alexa. “Siguro,” sagot ni Eian.

Tinanong din ni Alexa si Eian tungkol sa kanyang iniisip at sinabing: “So you think ginagamit lang kita?” “Wala akong sinasabing ganun. Sorry kung sinabi ko sa ‘yo ‘yung nararamdaman ko,” sagot ni ni Eian. “De okay lang. Natatawa na nga lang ako eh,” pag-amin naman ni Alexa.

READ: Alexa Ilacad has body dysmorphia, says psychologist

Sinabi din ni Eian na kausapin na lang ni Alexa si TJ Valderrama tungkol sa isyung ikinekwento niya. Hindi naman napigilan ni Alexa na tawaging “bastos” si Eian matapos na mag-walkout nito habang nagsasalita pa siya.

“Sandali. Hindi kasi okay. Oh my God bastos kausap,” buwelta ni Alexa.