• Home
  • Fresh Scoops
  • Sina TJ Valderrama at Karen Bordador ang mga bagong housemates na lumabas ng Bahay ni Kuya.

TJ Valderrama at Karen Bordador, tuluyan nang namaalam sa ‘Pinoy Big Brother’ house

Sina TJ Valderrama at Karen Bordador ang mga bagong housemates na lumabas ng Bahay ni Kuya.

TJ Valderrama at Karen Bordador, tuluyan nang namaalam sa ‘Pinoy Big Brother’ house-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/06/2021 03:13 PM
TJ Valderrama at Karen Bordador, tuluyan nang namaalam sa ‘Pinoy Big Brother’ house
Photo credits to @karen_bordador & tjvalderrama on Instagram

Natapos na ang pananatili ng mga housemates na sina TJ Valderrama at Karen Bordador sa loob ng bahay ni Kuya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by tjvalderrama (@tjvalderrama)

Nitong Linggo, ika-5 ng Disyembre, tuluyan nang tinuldukan nina TJ at Karen ang kanilang pagiging housemates matapos makakuha ng pinakamababang bilang ng “save” votes.

Ito ang kauna-unahang double eviction ngayong Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Matatandaang nasangkot sa isang kontrobersiya na may patungkol sa isyung harrassment ang housemate na si TJ. Matatandaang kumalat ang mga video kung saan kita ang pagiging dikit ni TJ sa kapwa housemate na si Shanaia Gomez.

READ:‘Pinoy Big Brother’ naglabas ng pahayag kaugnay sa isyung harassment

Dinepensahan naman ni TJ ang kanyang sarili at sinabing close lang talaga siya sa mga kapwa housemates niya.

Gayunpaman, pinaalalahanan pa rin sila ni Kuya na sinabing na maging maingat sa kanilang mga kilos dahil maaaring iba ang maging kahulugan nito sa mga manonood.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by tjvalderrama (@tjvalderrama)

Samantala, nabigyan naman ng pagkakataon ang mga housemates na sina Alexa Ilacad at Samantha Bernardo na manatili pa sa loob ng Big Brother house.

READ: Actor TJ Valderrama joins ‘PBB’ Season 10

Mapapanood ang PBB sa iba’t-ibang plataporma kabilang na ang Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. May livestream din ito na mapapanood sa 24/7 sa kumu.