• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi maipaliwanag ni Vice Ganda ang kanyang nararamdaman dahil sa panibagong karangalang kanyang natanggap.

Vice Ganda, gumawa ng kasaysayan sa 2021 Asian Academy Creative Awards

Hindi maipaliwanag ni Vice Ganda ang kanyang nararamdaman dahil sa panibagong karangalang kanyang natanggap.

Vice Ganda, gumawa ng kasaysayan sa 2021 Asian Academy Creative Awards-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/05/2021 10:27 AM
Vice Ganda, gumawa ng kasaysayan sa 2021 Asian Academy Creative Awards
Photo credit: @praybeytbenjamin Instagram

Nagdala na karangalan sa bansa ang komedyante si Vice Ganda kasabay ng kanyang paggawa ng kasaysayan bilang isang host. 

Itinanghal na Best Lifestyle, Entertainment Presenter/Host sa katatapos lang na Asian Academy Creative Awards (AACA) ang Unkabogable Star — ang kauna-unahang Pilipino na nanalo sa naturang kategorya. 


Nanalo si Vice dahil sa ipinamalas ditong galing bilang host ng programa ng ABS-CBN na Everybody, Sing! Ito ang kauna-unahang community singing game show sa bansa. 

LOOK: Vice Ganda on the set of new show

Hindi naman napigilan ng sikat na komedyante na ibahagi ang kanyang hindi niyang maipaliwanag na nararamdaman sa Twitter. 

“Overwhelmed! Ang gulo ng pakiramdam! Naiihi ako na naduduwal na di ko maintindihan. Nakakabaliw sa saya! Thank you Lord! This is unbelievable! Sh*t i just won Best Entertainment Host at the Asian Academy Creative Awards! Sh*****tttttttt!!!!” ani Vice sa kanyang tweet. 

Noong nakaraang taon, nagdala rin ng karangalan sa bansa ang aktor na si Arjo Atayde kung saan itinanghal siya bilang Best Actor in a Leading Role para sa Bagman.

Samantala, si Vice Ganda ay itinuturing na isa sa pinakamagaling na komedyante sa bansa.