PANOORIN: Awra Briguela, nagpa-tour sa naipundar na bahay

Kakalipat lang ni Awra Briguela sa kanyang bagong bahay.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/05/2021 11:44 AM
PANOORIN: Awra Briguela, nagpa-tour sa naipundar na bahay
Screenshot from Karen Davila YouTube Channel

Mula sa dating tinitirhang maliit na bahay sa isang squatters area, nakatira na ngayon ang dating child star na si Awra Briguela sa isang malaking bahay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Sa isang vlog kasama si Karen Davila, ipinasilip ni Awra ang kanyang bahay na naipundar dahil sa kanyang pagsusumikap sa buhay. 


Kwento ni Awra na nakatira na ngayon sa isang subdivision, malayong-malayo ang kanyang tinitirhang ngayon sa bahay niya noon na paglalarawan niya ay “sobrang ganda.”  

“Super happy po. Kasi ‘yung pinanggalingan namin, super iba talaga dito. [Nasa] squatter area po talaga kami before. Ngayon iba na kasi secured na kami sa subdivision, ‘yung bilang lang ‘yung nakakapasok. Tapos sobrang ganda pa ng house,” ani Awra. 

READ: Sa edad na 13, Awra Briguela may van, bahay at lupa na

Nakakatawang kwento pa ni Awra, nahihirapan na umano sila magkita-kitang magkakapamilya ngayon. 

“Before, ‘yung bahay namin, mabilis lang kaming magkita-kitang family. Parang pagkalabas mo ng kwarto, nandiyan na agad ‘yung hinahanap mo. Dito, kailangan mo pang sumigaw-sigaw ng ‘Mommy!’ kasi naghahanapan pa kami paikot-ikot sa house,” saad ni Awra. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Masaya naman si Awra na nagkakasabay-sabay na sila kumain ngayon hindi gaya ng dati. 

Maging ang mga kapatid ni Awra ay labis din ang saya dahil sa pagkakataong makalipat sa mas magandang bahay. 

READ: Wow! Sa murang edad, Awra Briguela nakapaglibot na sa Europe kasama ang ama

Nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya na nakalipat na siya sa kanyang bagong bahay ngayong taon, sagot niya: “Super happy po talaga ako kasi this Christimas and New Year, sasalubungin namin ‘yung bagong taon na maganda ‘yung house namin.

“Matagal ko na pong pangarap na mapatayuan ng ganitong bahay ‘yung family ko. Without my uncle, hindi po namin lahat matutupad ito,” sey naman ni Awra na masayang-masaya na natupad na niya ang pangarap ng kanyang mga magulang. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Ibinahagi naman ni Awra na pinapataas niya pa ang “value” ng kanyang bahay na napanalunan sa Your Face Sounds Familiar upang mas mabenta niya ito sa mas malaking halaga sa mga susunod pang mga taon.