• Home
  • Fresh Scoops
  • Parehong araw umano nagpunta ang JaDine sa kakabukas lang na Swedish shopping store.

JaDine muntikang magkita sa isang store; netizens nag-react: ‘Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana’

Parehong araw umano nagpunta ang JaDine sa kakabukas lang na Swedish shopping store.

JaDine muntikang magkita sa isang store; netizens nag-react: ‘Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/05/2021 06:31 PM
JaDine muntikang magkita sa isang store; netizens nag-react: ‘Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana’
Photo credits: @livelikepotter on Twitter

Maraming netizens ang hindi pa rin makaget-over sa muntikang pagkikita nina James Reid at Nadine Lustre sa isang sikat na shopping store sa Pasay City. 

Nitong mga nakaraang araw, kumalat ang mga litrato nina James at Nadine sa kauna-unahang branch ng sikat na Swedish furniture and home accessories store na IKEA sa bansa. 

Parehong araw umano nagpunta sina James at Nadine sa nasabing store ngunit hindi sila nagkita. 


Sey ng ilang netizens, “Pinagtapo ngunit hindi tinadhana ang dalawa” gaya ng kanilang relasyon. 

Bagama’t hindi nagtagpo, tinuturing na “destiny” ng ilang netizens ang sabay na pagpunta nina James at Nadine doon ng parehong araw nang hindi inaasahan. 

LOOK: James Reid and Nadine Lustre spotted in Tagaytay

Kasama umano ni James ang kanyang mga kaibigan noong araw na iyon samantalang kasama naman ni Nadine ang kanyang mga magulang at rumored boyfriend na si Christophe Bariou. 

Bago naugnay si Nadine kay Christophe, ilang taon nitong naging kasintahan ang kanyang ka-love team na si James.

Taong 2020 nang lumabas ang mga-balitang hiwalay na sila. Bagama’t itinanggi nito ito noong una, inamin din nila ito kalaunan. 

Kahit hiwalay na, ilang beses pa ding nagkatrabaho sina James at Nadine partikular na sa paggawa ng mga kanta.