• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami pa rin ang pumuri sa naging performance ni Samantha Panlilio sa naganap na Miss Grand International pageant.

Pinay beauty, bigong masungkit ang korona sa Miss Grand International

Marami pa rin ang pumuri sa naging performance ni Samantha Panlilio sa naganap na Miss Grand International pageant.

Pinay beauty, bigong masungkit ang korona sa Miss Grand International-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/04/2021 11:13 PM
Pinay beauty, bigong masungkit ang korona sa Miss Grand International

Bigo na masungkit ng Pinay beauty na si Samantha Panlilio ang unang korona sana sa naganap na Miss Grand International.

Si Panlilio ang pambato ng Pilipinas sa 2021 Miss Grand International na isa sa mga titulo sa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Isa si Samantha sa mga early favorites ng pageant fans dahil sa kaniyang mga bitbit na pasabog sa Miss Grand International stage na isa sa mga pageant titles na mailap sa Pilipinas.


Sa Instagram post ng Pinay beauty bago ang coronation night nitong December 4, makikita ang kaniyang mga inihanda para sa pageant. 

Kabilang na dito ang kaniyang susuotin sana na evening gowns, at ang signature walk na kaniyang irarampa sa swimsuit competition ng Miss Grand international.

Hindi man pinalad na maka-tungtong sa next cut ng Miss Grand International, proud at nagpaabot ng mensahe ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated sa naging performance ng kanilang pambato.

“Thank you for raising our flag, Sam! Stella Marquez Araneta and BPCI are delighted with your grand performance at Miss Grand International. Thank you for giving the Philippines a good fight in Thailand. We are very proud of you, our Binibining Pilipinas Grand International 2021,” pahayag ng BPCI sa kanilang statement.

Marami pa rin ang Filipino pageant fans rin ang nagbunyi sa naging level up na performance ng ating pambato.

2020 nang huling nasungkit ni Samantha Bernardo ang 1st runner up placement sa Miss Grand International na isa sa mga pinakamataas na naabot ng Pilipinas sa Thailand-based beauty pageant.