• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Marian Rivera ang isa sa mga kompirmado na mauupo sa panel of judges sa 70th edition ng Miss Universe.

Marian Rivera, bibit ang anim na designer gowns para sa Miss Universe pageant sa Israel

Si Marian Rivera ang isa sa mga kompirmado na mauupo sa panel of judges sa 70th edition ng Miss Universe.

Marian Rivera, bibit ang anim na designer gowns para sa Miss Universe pageant sa Israel-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/04/2021 06:08 PM
Marian Rivera, bibit ang anim na designer gowns para sa Miss Universe pageant sa Israel
Photo credits to @marianrivera Instagram stories

Isa ang aktres at TV host na si Marian Rivera sa mga kompirmadong mauupo bilang isa sa mga hurado ng 70th edition ng Miss Universe sa Eliat, Israel.

Sa mga ulat na naglabasan ngayon sa social media isa ang Filipina prime actress sa mga napili na maging hurado at suriin ang mga kandidata.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ipinasilip ni Marian ang ilan mga gowns na posible niyang suotin bilang isa sa panel ng mga judges na kaniyang makakasama sa pagpili ng susunod na Miss Universe.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jo Rubio (@jorubio_)

Suot ang Jo Rubio rose gown, angat na angat ganda ng Pinay actress.

Bukod sa “Beautiful Rose” inspired gown ni Rubio, isa rin sa napa ulat na bitbit ni Marian ang gold-beaded Mak Tumang creation na posibleng isuot niya sa coronation night.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mak Tumang (@maktumang)

Isa rin sa mga ibinahagi ni Marian ang elegant in black gown na isang Marc Rancy creation.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MARC RANCY (@marcrancy)

Isang big black bow naman ang focus ng gown ni Andrea Tetangco.

Samantala, narito naman ang ibang designer gowns na posibleng irampa ni Marian sa Miss Universe coronation night. 

Credit to @marianrivera IG story 

Looking forward ang maraming pageant fans at ang Filipino audience kung ano ang magiging gown ni Marian sa mismong coronation night.

Sa darating na December 6, biyaheng Eliat, Israel si Marian kung saan ipapasa ni Andrea Meza ng Mexico ang korona sa bagong Miss Universe.

Bukod kay Marian, ilang Filipino celebrities tulad nina Kuh Ledesma, Lea Salonga, at Pia Wurtzbach na ang naging judge para sa Miss Universe.

Sa darating na December 13 (Manila Time) mapapanood ang live telecast ng Miss Universe sa A2Z channel 11.