• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Darryl Yap reveals what was difficult about working with his new stars for ‘Pornstar 2.’

Director Darryl Yap says ‘Pornstar 2’ has a lot of bed scenes

Director Darryl Yap reveals what was difficult about working with his new stars for ‘Pornstar 2.’

Director Darryl Yap says ‘Pornstar 2’ has a lot of bed scenes-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/04/2021 06:22 PM
Director Darryl Yap says ‘Pornstar 2’ has a lot of bed scenes
Photos: Darryl Yap and Pornstar 2 cast (L-R) Sab Aggabao, Cara Gonzales, Stephanie Raz, and Ayanna Misola

Apat na bagong sexy stars ang ipakikilala sa Pornstar 2: Ikalawang Putok na pinabibidahan nina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces. Sila ay sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Ayana Misola, at Stephanie Raz.

Ginampanan ng apat ang mga karakter nina Gabriela, Melchora, Trinidad, at Josefa sa Pornstar 2. Sila ang mga aspiring sexy stars na ime-mentor nina Ara, Alma, Maui, at Osang na itinuturing na legends ng Pinoy sexy films.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Darryl Yap, mabigat ang pakikipagtrabaho niya sa four newbie sexy stars. Hindi raw kasi marunong magsuot ng robe ang apat at ayaw pang gumamit ng plaster sa maseselang eksena sa pelikula.


READ: Direk Darryl Yap dinepensahan ang ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’ title

Kuwento ng direktor, “Itong apat na baguhan, sobrang bigat na katrabaho kasi naglalakad sa set yan, nakikita ko yung mga boobs nila. Sobrang hirap na hirap yung kalooban ko.

“Nagrereklamo ako kay Boss Vic (del Rosario, CEO ng Viva), sabi ko, ‘Ayaw mag-robe ng mga artista natin! Ayaw mag-plaster!’ Sabi ko sa kanila, ‘Magtakip naman kayo!’ Ang sabi nila sa akin, ‘Kasi Direk kapag tatakpan pa, itatakbo pa yung robe.’”

Ganito rin ayon kay Direk Darryl ang na-experience niya sa male counterpart nina Sab, Cara, Stephanie, at Ayanna na sina Prince Salvador, Jet Delgado, Rash Flores, at Abed Green. Hindi rin daw kasi uso sa mga lalaking ito ang maglagay ng plaster.

“Yung apat na lalaki ayaw mag-plaster. Pero ang una nang nag-react diyan ay si Cara. Hindi ko alam kung si Sab yata yung nagsabi kay Abed Green. ‘Hoy, mag-plaster ka. Mahiya ka naman kay Cara,’ something like that.

“Pero silang apat, yung mga boys, ayaw din nilang mag-plaster because, number one, they don’t want to shave. Number two, naiipit daw yung mga alaga nila,” natatawa pero seryosong pahayag ni Direk Darryl.

Dahil sa isyu ng plaster ay kinausap din ng Viva ang direktor at sinabing magagastusan ang kompanya nang malaki kung mahahagip sa camera ang kanilang mga pagkalalaki dahil buburahin ito sa post production.

“So, sabi ko pag-usapan natin. So, we sat down. Sinabi ko sa kanila, ‘Magagastusan ako pag hindi kayo nag-plaster kasi buburahin ko yan. Eh, malalaki ’yung mga ano nila so magagastusan din ako nang malaki.

“Alam ng apat na girls yan. Eh, magkano lang naman ang plaster.Yung pagbubura nu’n sa post prod ’yon ang mahal,” natatawang kuwento ng direktor.

READ: Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces reunited sa ‘Pornstar 2’ ni Direk Darryl Yap

Bukod sa plaster issue ng mga boys ay pinalilinis din daw sa kanya ng Viva ang isang eksena sa movie kung saan may mga celebrity names na nabanggit ang mga veteran sexy stars na puwedeng magreklamo.

“Kinausap ako ni Boss Vic, pinabubura niya sa akin yung ibang lines. Kasi meron ako ditong script na hinayaan ko lang magkuwentuhan yung apat na legends, sina Ara, Alma, Maui, and Osang. Hinayaan ko silang magkuwentuhan for one hour. Nakatutok lang yung dalawang kamera. Tapos from that one hour, ang challenge sa akin kailangang maging six minutes.

“Eh, sobra ang pinagkukuwento nila doon, like pangalan ng mga artista na after nila mag-love scene gustong ituloy nu’ng lalaking artista, as in sinabi nila ang mga pangalan. Itong mga artista ko, sila Ara nagbanggit sila ng mga names. Si Osang lalo na. Yung mga artistang after nila mag-love scene, tinanong ni Alma, ‘Eh, di ba, inalok ka niyan na ituloy n’yo na yung love scene ninyo?’

“Nagbabanggit ng pangalan—mga leading men nila na may putok, mabaho ang hininga. So, pinapagalitan ako ngayon ng Viva because it will cost us very huge,” detalyadong paglalahad ng Pornstar 2 director na mapapanood sa Vivamax sa December 3.

Isa din daw sa matinding ikagugulat ng manonood ng Pornstar 2 ang sangkatutak na nudity sa pelikula.

“Dito sa Pornstar 2, a total of 42 breast exposures, 4 frontal nudity, 4 sinful sex scenesm and 3 erotic training sessions. Ipinaglaban ko yan sa Viva kasi  kailangan talaga, hindi gaya sa ibang pelikula na may maiyot lang,” diin ng direktor.