• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto also shares what living by herself has taught her.

Julia Barretto on her role in ‘Expensive Candy’: ‘It’s nothing that I’ve ever done before’

Julia Barretto also shares what living by herself has taught her.

Julia Barretto on her role in ‘Expensive Candy’: ‘It’s nothing that I’ve ever done before’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/31/2021 10:59 AM
Julia Barretto on her role in ‘Expensive Candy’: ‘It’s nothing that I’ve ever done before’
Photo credits to @juliabarretto on Instagram

Isa sa nilo-look forward ni Julia Barretto sa taong 2022 ay ang bago niyang pelikulang Expensive Candy. Reunion movie nila ito ni Jason Paul Laxamana na direktor ng pelikula nila ni Gerald Anderson na Between Maybes na pinagsimulan ng kanilang relasyon.

Ayon sa aktres, ang Expensive Candy ang pinakamapangahas na pelikulang ginawa niya kung saan gumaganap siya bilang isang sex worker.

“I’m so, so, so excited for everybody to see this. It’s nothing that I’ve ever done before. I’d like to believe it’s a coming-of-age film and perfect because it’s almost my birthday.


“I play Candy, she’s a sex worker, and Carlo Aquino plays a school teacher. He falls in love with her and that’s where the love story begins. It’s very exciting, I dunno if I can say much ‘cause I don’t wanna spoil much,” masayang kuwento ni Julia sa PUSH

Julia Barretto describes her 2021 as ‘a lot of calm and peace’

Tatlong taon nang solong naninirahan sa kanyang condo unit si Julia na aminadong malaki ang natutunan niya simula nung maging independent siya lalo na pagdating sa pagba-budget.

“Hindi na ako yung before na parang every week may bago ako sapatos, may bago akong bag, hindi na ako ganun. Napupunta na lang sa electric bills, sa amortization dues. 

“Now, because I live alone already—I’ve been living alone for three years now—ngayon ko na-value yung pera, yung oras, yung energy na binibigay mo.

“So ngayon, P200, P500, P1,000, ang mahal na sa akin no’n kasi naba-value ko na siya because nakikita ko na yung bills ko, eh. Ako na yung nagbabayad kasi hindi na si mom,” pagtatapat ng aktres na first ever celebrity ambassador ng Miracle White.

LOOK: Julia Barretto, Gerald Anderson reunite with 'Between Maybes' director

Ibinahagi rin ng dalaga kung ano ang ginagawa niya para makaiwas sa lahat ng nega sa kanyang paligid.

“You know, they always say this. I think it really works for me. There is really magic in counting your blessing," aniya.  

"So, every time na medyo napapagod na ako or nai-stress na ako or minsan yung energy na binibigay sa akin is medyo bad or negative, I really take the time to shut off, shut down, have a moment for myself and really count the things that I should be grateful and thankful for.

“Like we are blessed especially this year, so hindi ko pinapayagan na mangibabaw ang stress at negativity because again, hindi nakakaganda.

“Always count your blessings and focus on the things that are happening in your life, especially now na hindi natin alam kung anong mangyayari mamaya, kung anong mangyayari bukas. So as much as possible, I just want yo enjoy what I have and the people around me,” huling pahayag ni Julia.