• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging bukas sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache tungkol sa kanilang relasyon sa pagsabak nila sa sikat na challenge na ‘Sinong Mas.’

Edu Manzano at Cherry Pie Picache, sumabak sa 'mas' challenge

Naging bukas sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache tungkol sa kanilang relasyon sa pagsabak nila sa sikat na challenge na ‘Sinong Mas.’

 Edu Manzano at Cherry Pie Picache, sumabak sa 'mas' challenge-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/31/2021 12:42 PM
 Edu Manzano at Cherry Pie Picache, sumabak sa 'mas' challenge
Photo credits to Luis Manzano on Youtube

Muling naghatid ng kilig sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa kanilang mga tagahanga nang magbahagi sila ng ilang mga bagay tungkol sa kanilang relasyon.

Kasama ang anak ni Edu na si Luis Manzano at asawa nito na si Jessy Mendiola, sumabak ang magkasintahan sa sikat na challenge na "Sinong mas."


Ayon kay Edu, sa kanilang dalawa ni Cherry Pie, ang aktres ang mas ma-effort, mas clingy, mas palaging nale-late, at mas madalas magsimula ng away.

Si Cherry Pie din umano ang mas madalas magselos. Biro ni Edu nang matanong kung paano ba magselos ang aktres: "Well, 'yung nananakit. Umaabot sa ganyan. Kaya minsan, napa-substation 7 ako sa QC. Pina-blotter ko."

Samantala, aminado naman si Cherry Pie na si Edu ang mas madalas na mag-text at tumatawag sa kanya.

Kwento ng aktor: "Ito naman kasi. Ite-text mo 'di ba, 'Busy? How are you?' Tapos mag-aantay ka na muna ng reply 'di ba? Wala namang dumadating. Aabutin ka ng 10 hours, 16 hours, 18 hours. Biglang ite-text ka, 'Hindi mo ba ako hinahanap?!' 'Kate-text ko lang kani-kanina ah. 10 hours ago, hindi ka naman sumasagot.' 'Anong nag-text ka? Hindi ka naman nagte-text ah?'"

"Pero yes, sometimes, matagal akong [mag-reply]," natatawang pag-amin ni Cherry.

Ayon din sa dalawa, wala umano sa kanila ang mas galante o mahilig na gumastos sa materyal na bagay.

Paliwanag ni Edu: "Mas uunahin namin minsan, believe it or not, 'yung mga nakikita namin sa ano... I guess andoon na kami sa edad where other people matter to us. We don't give each other [things], happy na kami kapag lumalabas sa gabi, kakain kami."

"Kami kasi, we can say na we're pretty much comfortable kung nasaan na kami ngayon."

Muli namang idinaan sa biro ng aktor ang kanyang sagot sa tanong na kung sino ang mas unang nangangalabit sa kanilang dalawa ni Cherry Pie.

"Kami nakapag-desisyon na mag-aantay kami hanggang kasal...Kung dumating man 'yun. Kaya sinasabi ko muna sa kanya, 'wag please. Please 'wag muna, 'wag ka muna umasa. Siyempre, Katoliko akong pinalaki. Strikto [kasi parents ko]," biro niya.

"'Pag tumawag si Mama, ayun medyo delikado tayo... Kasi patay na siya eh. Mahirap na kapag tumawag 'yun, medyo 'oops'. Kaya ayaw ko munang bumigay. Pasensya ka na ha?"

BASAHIN: Edu Manzano at Cherry Pie Picache, inaming dalawang dekada na mula nang unang mag-date

Sa vlog, naikwento rin ni Cherry Pie kung paano siya nakumbinse na seryoso sa kanya si Edu.

Matatandaang naging malapit ulit ang dalawa nang magkatrabaho sila sa sikat na teleserye na Marry Me, Marry You.

Kwento ng aktres: “Kasi 'di ba, kapag sa taping, especially now, locked-in. Ganun 'yun usually 'di ba, kung parehong single naman, siyempre nagkakakulitan, ganyan. So nung nagkukulitan kami, sabi ko, 'Hmm... parang kulitan lang ba 'to or ano?' Siyempre me at my age, I don't like that anymore. So sabi ko, sige, 'pag nag-break 'yung lock-in sa first cycle tapos nag-effort siya, sige. Ayun, nag-effort naman siya. Mga two months, 'di ba?"

Ayon pa kay Cherry Pie, isa sa mga bagay na nagustuhan niya kay Edu ay ang respeto na ipinakita nito sa kanyang anak na si Nio Tria.

"He respected so much the people that I love, and he knows that it's Nio. Kinilala niya, dumadalaw siya sa bahay, nagpakilala siya," aniya.

BASAHIN: Nio Tria reacts to mom Cherry Pie Picache’s new relationship: ‘Seeing her happy also makes me happy’

Nobyembre nitong taon nang aminin nina Edu at Cherry Pie ang kanilang relasyon sa publiko.

Sa isa pang vlog kasama si Luis, inamin ng magkasintahan na dalawang dekada na ang nakalilipas mula noong una silang mag-date. 

Ayon sa dalawa, sa kabila ng naudlot nilang pag-iibigan noon ay nanatili silang mabuting magkaibigan.