• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang ‘Love At First Stream’ sa mga pelikulang napapanood ngayon sa 2021 Metro Manila Film Festival.

‘Love At First Stream’ cast, nagkuwento ng kasi-kanilang experience maktrabaho si Direk Cathy Garcia Molina

Isa ang ‘Love At First Stream’ sa mga pelikulang napapanood ngayon sa 2021 Metro Manila Film Festival.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/30/2021 04:46 PM
‘Love At First Stream’ cast, nagkuwento ng kasi-kanilang experience maktrabaho si Direk Cathy Garcia Molina
Photo credits to @danielastrannerrrr on Instagram

Proud at masayang-masaya ang Kapamilya stars na sina Anthony Jennings, Daniela Stranner, Jeremiah Lisbo, at Kaori Oinuma sa mainit na pagtanggap ng manonood sa kanilang first Metro Manila Film Festival entry, ang Love At First Stream. Si Cathy Garcia Molina ang nag-direct ng nasabing pelikula.

Dahil first timer sa MMFF at first timer rin makasama ang blockbuster movie director, ibinahagi ng Love At First Stream cast ang kanilang memorable experiences working with direk Cathy.


“Ako kasi madami. Madami akong unique experience kay direk Cathy. Like halos every scene namin, gumagawa siya ng parang sarili niyang technique kung paano ko malalabas yung emotions ko talaga,” sambit ni Anthony sa exclusive interview ng Cinema News.

Patuloy niya, “Sa different way sa pagbasa ko ng notes ko and mga ganun. Sobrang dami ko natutunan kay direk Cathy. Hindi lang sa acting siyempre mayroon rin sa life naman. Mostly, ang dami ko mababaon sa kanya lalo na kung paano ko ma feel ang eksena mismo.”

Iba naman ang naranasan ni Jeremiah sa pakikipag trabaho kay direk Cathy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jeremiah (@jeremiahlisbo)

“Ang natutunan ko po, kahit hindi mo shot, gawin mo pa rin ang trabaho mo. Para makatulong ka sa ka-eksena mo. Naging professional tayo, hindi tayo dapat lamya-lamya. Grabe pag si direk Cathy talaga parang magiging sundalo ka e’ kasi papagalitan ka niya pag wala ka sa wisyo,” masayang sambit ng Kapamilya star.

Technical work naman ang unforgettable working experience nina Daniela at Kaori kay Direk Cathy. Anila malaki ang naituro sa kanila ng direktor.

“Ako po, usually yung lines ko po talaga dito, mahahaba po. Andami-daming eksena in one day. Tapos mayroon akong eksena, kami ni Ms. Agot Isidro, ang haba ng linyahan namin. And yung eksena na yon, inulit-ulit namin kasi hindi nakukuha ni direk Cathy yung emotion na gusto niya and ang natutunan ko sa kanya is ‘wag mong i-memorize, intinidihn mo’ yung kapag mayroon kang ka-throw lines and naturally, lalabas yung sagot mo and hindi mo siya kailangang i-memorize ang linya. Lagi kang makinig sa co-actor mo, yun ang natutunan ko sa kanya po,” kuwento ni Daniela.

Gaya ni Daniela, ibang output rin sa acting ang naibigay ni Kaori sa tulong ng direktor.

“Na memorize ko na siya (script) naintindihan ko na ganyan, tapos noong on set na biglang nag-change script. Ayun na so sobrang binaligtad na, nagbago na yung mga lines nataranta po ako sa pag memorize. Sabi po ni direk, ‘wag mo na memorize yan, intindihin mo na lang.’ Pero minsan, may mga hindi ako maintindihan na mga words na mga keyword na importante. Doon po ako natataranta. Doon yung isang jackpot ko kay direk kasi sobrang madalian yung moment na yon. Pero habang tumatagal, nakasayanan na namin na parang wag talaga mag stick sa script na binigay sa amin kasi any time pwede magbago” kuwento ni Kaori.

Bukod sa Love At First Stream, patuloy pa rin napapanood sa mga sinehan ang iba pang pelikula sa 2021 Metro Manila Film Festival.