• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa ‘Magandang Buhay’ kamakailan, ipinaliwanag ni Heaven Peralejo kung bakit ganito niya maituturing ang naging pag-iibigan nila ni Kiko Estrada.

Heaven Peralejo, inilarawan bilang 'heaven' at 'hell' ang relasyon nila ni Kiko Estrada

Sa ‘Magandang Buhay’ kamakailan, ipinaliwanag ni Heaven Peralejo kung bakit ganito niya maituturing ang naging pag-iibigan nila ni Kiko Estrada.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/30/2021 10:02 AM
Heaven Peralejo, inilarawan bilang 'heaven' at 'hell' ang relasyon nila ni Kiko Estrada

"Heaven and hell."

Ganito inilarawan ng aktres na si Heaven Peralejo ang naging relasyon nila ng aktor na si Kiko Estrada.

Sa Magandang Buhay kamakailan, ipinaliwanag ni Heaven kung bakit ganito niya maituturing ang naging pag-iibigan nila ni Kiko.


"[Heaven kasi] naging masaya naman ako. Marami naman akong natutunan," aniya.

"'Yung hell, kasi siyempre, ewan ko... Kasi siguro naman din po talaga in life, hindi naman pwedeng lahat masaya."

Agosto nitong taon nang aminin nina Heaven at Kiko, na nagkasama sa palabas na Bagong Umaga, ang kanilang relasyon sa publiko.

Ngunit makalipas lamang ng ilang buwan ay kumalat ang balitang nagkahiwalay na ang dalawa, matapos na mapansin ng kanilang fans na in-unfollow nila ang isa't isa sa Instagram.

Tuluyan nang inamin ni Heaven ang hiwalayan nila ni Kiko noong Oktrubre, sa pamamagitan ng kanyang vlog kung saan sinabi nito na single na siya ngayon.

BASAHIN:Heaven Peralejo confirms she’s single

Sa programa, ibinahagi rin ni Heaven kung paano niya hinarap ang naging hiwalayan nila ng dating nobyo.

"Siguro na-handle ko siya in a way na, parang surrounded ako with the people who taught me a lot of lessons. Like, 'yung Siargao trip ko na 'yun is something reflective. Nag-reflect ako nung Siargao, so parang nalaman ko 'yung mga bagay na okay ako at mga bagay na hindi. Mga bagay na kailangan baguhin sa sarili ko at sa buhay ko, and 'yung mga tao na dapat nasa buhay ko at dapat na hindi na," paliwanag niya.

Dumaan man sa maraming pagsubok ngayong taon, kabilang na ang hiwalayan nila ni Kiko, nananatili umanong masaya at nagpapasalamat si Heaven.

"Ngayon 'yung pinakamasayang phase ng buhay ko," aniya. "Parang naging eye-opener itong year na 'to, in an extent na I'm just loving life and just riding through the waves. And 'yun, enjoy lang."