• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang ‘Big Night!’ sa mga pelikulang napapanood ngayon sa 2021 MMFF.

Christian Bables, ‘magical’ kung ilarawan ang pagbabalik film fest

Isa ang ‘Big Night!’ sa mga pelikulang napapanood ngayon sa 2021 MMFF.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/30/2021 12:20 PM
Christian Bables, ‘magical’ kung ilarawan ang pagbabalik film fest

Kabilang ang pelikulang Big Night! ng IdeaFirst Company sa pangunguna ng aktor na si Christian Bables sa mga pelikulang napapanood ngayon sa 2021 Metro Manila Film Festival.

Sa naging panayam ng Cinema News, inilarawan ng aktor ang kaniyang kasiyahan sa naging pagbabalik film fest ngayong 2021.

“I’m happy and excited kasi, kung tutuusin, kuya, dito nagsimula ang career ko. Dito ako nagsimula sa industriya. Kasi MMFF and now that I’m back and ang pelikula awa ni God, ako yung lead. Ang magical lang ng feeling dahil five years ago, parang fresh pa e, fresh pa lahat and now eto pa. I’m just excited and I’m happy,” sambit ng aktor sa panayam.


Para kay Christian na naka-ilang beses na naging bahagi ng MMFF, extra challenge pa rin para sa kaniya ang pagganap sa mga roles na kaniyang nagagawa para sa taunang filmfest.

EMBED: https://www.instagram.com/p/CXyPtczF_pD/?utm_medium=copy_link

“Wala, wala kasi yung sa akin, I just want to give life to all the characters that I will portray so kung ano man ang naipagkatiwala sa akin, buong puso and buong kaluluwa ko paghuhusayan. Kahit ano pa yan. Basta releveant lang yung puso ng character, walang problema sa akin. Kaya I guess yun ang surprise na dapat niyong panoorin but I am 100 percent sure, kasi I did Die Beautiful with direk Jun (Lana), Panti Sisters with direk Jun also. Itong mga characters na ito, nasa isang linya kumbaga, pero I promise you iba si Darna at ayan ang dapat niyo abangan.”

Para naman sa naging bakbakan ng mga aktor sa pagka-Best Actor, para kay Christian hindi ito ang pumasok sa kaniyang isipan nang makabalik MMFF nitong taon.

“Parang natural lang and normal lang, wala kasi sa mind ko ang competition. Kumbaga ang sa akin bahala na kayo, kung irecognize niyo ang work ko as an actor, maraming salamat. Kung hindi, okay lang din naman. Dahil ako mismo sa sarili ko, kuya, alam ko kung ano ang amount of passion and amount of work and hard work for that character and for as long as may approval ng director ko and producers and mga taong nakapanood, I guess I’m okay with it. Yung award, hindi ako magpapa bebe, masarap makatanggap ng award but, hindi siya yung definition namin as an actor,” pahayag ng aktor.

Bukod sa Big Night!, patuloy pa rin napapanood sa mga sinehan ang iba pang pelikula sa 2021 Metro Manila Film Festival.