• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito na ang apat pang housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.

KILALANIN: Ang apat pang housemates sa adult edition ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’

Narito na ang apat pang housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/30/2021 09:50 PM
KILALANIN: Ang apat pang housemates sa adult edition ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’
Photo credit to @pbbabscbntv Instagram

Ipinakilala na ang apat pang housemates na kumumpleto sa adult edition ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Ang pampitong housemate ay handang magpabilib sa loob ng Bahay ni Kuya. Siya si Aleck Iñigo na tinaguriang “Ang Most Valuable Rider ng Las Piñas.” 

Ang pangwalong adult housemate naman na pasok sa “PBB” ay isang piloto na galing din sa siyudad ng Las Piñas. Siya si Nathan Juane o “Ang Pursigidong Papiloto ng Las Piñas.” 

Mula naman sa isang kilalang pamilya sa mga probinsya ng Samar at Leyte ang ika-siyam na housemate na papasok sa Bahay ni Kuya. Siya “Ang Bubbly Boss Lady ng Leyte” na si Isabel Laohoo.

Isang sikat na social media personality naman at beauty enthusiast ang pangsampung housemate na papasok sa Big Brother house. Siya si Raf Juane o “Ang Ms. Beauty Kabo-Guru ng Las Piñas.” 

Inaabangan na ang pag-anunsiyo ng Top 2 ng teen edition ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Samantala, papasok na ang mga adult housemates sa mga susunod na araw.