• Home
  • Fresh Scoops
  • Ginulat muli ng aktres na si Alessandra de Rossi ang netizens sa kanyang bikini photos na ibinahagi niya sa Instagram.

Alessandra de Rossi, muling ibinida ang kanyang bikini body

Ginulat muli ng aktres na si Alessandra de Rossi ang netizens sa kanyang bikini photos na ibinahagi niya sa Instagram.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/30/2021 12:40 PM
Alessandra de Rossi, muling ibinida ang kanyang bikini body
Photo credits to @rmsderossi on Instagram

Ginulat muli ng aktres na si Alessandra de Rossi ang netizens sa kanyang bikini photos na ibinahagi niya sa Instagram.

Sa isang retrato, makikitang ibinibida ni Alessandra ang kanyang fit na pangangatawan habang nakasuot ng kulay asul na two-piece swimsuit.

May caption ito na: "Paparating na ang mga pirata."


Sa isa pa niyang post, ipinakita ng aktres ang kanyang modelling skills habang nakasuot ng bikini. 

"I think hindi umabot ang mga pirata. Tuloy nalang ang modelling," aniya sa kanyang caption.

Sa ngayon ay may ilang libong likes na ang kanyang post, at marami ang nagpahatid ng kanilang paghanga sa aktres, kabilang na ang kanyang mga kapwa artista.

"Ay, grabe siya!" komento ni Isabel Oli.

"DAMN, WOMAN," sabi naman ni Maxene Magalona. "You could've warned us earlier."

"May sunog," dagdag naman ni Armi Millare.

Kamakailan ay pinarangalan si Alessandra bilang Best Actress sa ika-69th FAMAS Awards para sa kanyang role sa pelikulang Watch List.

Gumanap ang aktres bilang isang ina na namatayan ng asawa matapos ang isang misteryosong krimen. Ipinalabas ang Watch List, na pelikula ng direktor na si Ben Rekhi, noong nakaraang taon.

BASAHIN: Alessandra de Rossi wins best actress, Allen Dizon best actor in 2021 FAMAS

Huling napanood si Alessandra, 37, sa pelikulang My Amanda kasama si Piolo Pascual. Mapapanood ang nasabing romcom film sa giant streaming platform na Netflix.