• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ng singer na si Pops Fernandez sa kanyang panibagong vlog na minsan na niyang nakarelasyon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual.

Pops Fernandez, inaming dating nakarelasyon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual

Inamin ng singer na si Pops Fernandez sa kanyang panibagong vlog na minsan na niyang nakarelasyon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual.

Pops Fernandez, inaming dating nakarelasyon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/03/2021 04:10 PM
Pops Fernandez, inaming dating nakarelasyon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual
Screenshot from Pops Fernandez YouTube Channel

Inamin ng singer na si Pops Fernandez sa kanyang panibagong vlog na minsan na niyang nakarelasyon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual.

Sa nasabing vlog, naglaro si Pops ng sikat na game na "Jojowain o Totropahin" kasama ang mga kanyang mga kaibigan na sina Joy Ortega, Lara Melissa de Leon, at Toni Abad.

Isa sa mga pangalan na nabanggit ay si Piolo. Pag-amin ni Pops, "Na-jowa ko na siya, so jojowain. Jowa lang ha."


Nang mabanggit naman si Aga, "totropahin" ang naging sagot ng singer. "Friends, bakit? Ex ko na siya so friends na tayo (Aga)," natatawang paliwanag ni Pops.

Bukod sa dalawa, ilan pa sa mga nabanggit sa vlog ay sina Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Gabby Concepcion, Coco Martin, Derek Ramsay, Dennis Trillio, Luis Manzano, at Xian Lim.

Si Pops ay dating kasal sa kapwa singer na si Martin Nievera. Ikinasal ang dalawa—na tinaguriang "Concert King and Queen"—noong 1986 at nagkaroon ng dalawang anak. Naghiwalay sila noong 1999 at makalipas ang isang taon ay napawalang bisa ang kanilang kasal.

Mula noon ay nakarelasyon ni Pops ang aktor na si Jomari Yllana at model na si Brad Turvey. Minsan din siyang na-link sa hunky actor na si Derek Ramsay ngunit itinanggi ito ng singer. 

BASAHIN: Pops Fernandez on rumored relationship with Derek Ramsay: ‘It’s absolutely not true!’

Sa dating panayam ni Vicki Belo para sa kanyang vlog, sinabi ni Pops na naghihintay lamang siya ng tamang tao na mamahalin niya habang buhay.

“I’m just waiting, I guess…kung may dumating,” aniya.

Ngunit giit ng singer, kuntento na siya sa piling ng kanyang pamilya at mga anak na sina Robin at Ram.

“It’s hard to believe I’m not sad. I was sad, I was lonely. We put it in our minds that for you to be happy, you have to have a partner. But I realized, I’m okay. I’m happy. I’m happy with my family, I’m happy with my boys," aniya.