Labis ang pasasalamat ng mag-asawang Julius at Christine Babao sa Panginoon nang lumabas ang resulta ng isinagawa sa kanilang colonoscopy o pag-eeksamena sa kani-kanilang large intestine at endoscopy o pag-eeksamena sa kani-kanilang mga internal organs.
Sa isang Instagram post, proud na ibinahagi nina Julius at Christine ang mga resulta ng kanilang tests.
“EARLY DETECTION IS THE KEY. PRAISE GOD and THANK YOU, Doctor Laya!” ani Christine na parehas pinasalamatan ang Panginoon at ang doktor na nagsagawa ng eksaminasyon sa kanila.
Nawala umano ang pangamba ni Christine nang malaman na hindi cancerous ang mga polyps na natagpuan sa kanilang katawan.
READ: Five Reasons why Julius and Christine Babao are incredible parents
“You took away my paranoia—and the thing I dread most—the Big C when you brought the good news that our polyps (3 for me, 4 found in Pappu J) are not cancerous,” ani Christine.
Ngunit ayon kay Christine, na-diagnose sila ng GERD o Gastroesophageal reflux disease dahil parehas silang mahilig sa kape. “Yun nga lang, pareho kaming may GERD, hehe- coffee lovers eh,” aniya.
READ: Julius Babao shows his house filled with paintings
Samantala, pinayuhan naman ni Christine ang mga gaya niya na noo’y takot na sumailalim sa ganitong tests na huwag mangamba lalo pa’t mabilis lang umano ito at wala ring mararamdamang sakit.
“PS Are u still afraid of undergoing Colonoscopy or Endoscopy? Now that I've experienced it, I tell you, don't be afraid anymore. The procedure is swift and painless ( with GA ). Go ahead! Schedule yours now. Early detection is the key,” ani Christine.
May kaparehang payo din si Julius sa kanyang mga followers sa Instagram at sinabing kailangan umano ito lalo pa’t hindi umano siya bumabata.
“Hindi na tayo bumabata at kailangan nating dumaan sa mga ganitong eksaminasyon para malaman natin ang estado ng ating kalusugan! Stay healthy everyone!” ani Julius.