• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Jed Madela na masama ang loob niya sa pagkakaudlot ng paglipad niya papuntang US upang manood sana ng concert ng BTS.

Jed Madela, hindi nakalipad papuntang US; nasayang ang ticket sa concert ng BTS

Inamin ni Jed Madela na masama ang loob niya sa pagkakaudlot ng paglipad niya papuntang US upang manood sana ng concert ng BTS.

Jed Madela, hindi nakalipad papuntang US; nasayang ang ticket sa concert ng BTS-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/03/2021 11:29 AM
Jed Madela, hindi nakalipad papuntang US; nasayang ang ticket sa concert ng BTS
Photo credit to @jedmadelaofficial Instagram

Todo ang pagkadismaya ni Jed Madela matapos maudlot ang kanyang panonood ng concert ng BTS sa Estados Unidos. 

Hindi maikakaila na isa si Jed sa pinakamalaking local celebrity fan ng South Korean boy group na BTS. Kaya naman hindi niya maiwasang madismaya nang maudlot ang panonood niya ng concert ng nasabing grupo sa US. 


Sa Twitter, ibinahagi ng Kapamilya singer na nakabili siya ng concert ng BTS na ginanap sa SoFi Stadium sa California. Ito ang kauna-unahang live concert ng sikat na K-Pop group simula nang magsimula ang pandemya. 

WATCH: Pinoy Celebrities Who Are K-Pop Fanatics | Push Pins

“Haaaayyy hanggang dito na lang muna ako…” bungad ni Jed sa kanyang malungkot na tweet. 

“I really had plans to go to LA and watch BTS… I already had a ticket to the concert!” pagbabahagi pa niya.  

Ani Jed, hindi niya tinuloy ang kanyang paglipad dahil sinabihan siyang may gagawin siyang proyekto ngunit hindi ito natuloy. 

“Pero may work daw kaya ‘di ako makaalis. Ending, di na naman pala tuloy mga sinsabing trabaho,” kwento ni Jed. 

READ: Jed Madela shares new passion for toy making and designing

Inamin ni Jed na sobrang sama ng loob niya ngayon dahil sa nangyari. “Imagine nyo na lang sama ng loob ko ngayon,” sey ni Jed. 

Samantala, todo konsuwelo naman ang mga kapwa ARMY ni Jed upang ma-ibsan ang kanyang nararamdamang lungkot dahil sa nangyari. 

 

 

"Oh no, Sir Jed. That’s truly heartbreaking. Don’t worry, we will make sure to attend at least one of their tours next year."

Maliban sa pagsuporta ni Jed sa mga virtual concert ng BTS, bumibili din ito ng mga merch ng nasabing grupo.