• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinakilala na ang tatlo pang adult housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.

KILALANIN: Ang pangalawang batch ng adult housemates na papasok sa ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’

Ipinakilala na ang tatlo pang adult housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/28/2021 10:32 PM
KILALANIN: Ang pangalawang batch ng adult housemates na papasok sa ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’

Opisyal nang ipinakilala ang tatlo pang housemates na papasok sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

In-unbox na sa streaming app na Kumu ang bagong tatlong adult housemates na papasok sa PBB.

KILALANIN: Ang unang tatlong adult housemates ng ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’


Matapos i-anunsyo ang unang tatlong adult housemates na papasok sa Bahay ni Kuya, ipinakilala na ang pangalawang batch na binubuo ng dalawang lalaki at isang babae. 

Ang pang-apat na housemate na papasok ay sporty na, pogi pa. Siya si Michael Ver Comaling na tinaguriang “Mr. Pentastic ng Leyte.” 

https://www.instagram.com/p/CYBkGFvB1L-/

Isang madiskarteng housemate naman na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya si Laziz Rustamov, ang panglimang adult housemate para sa edisyong ito. Siya ay may moniker na “Modelskarteng Breadwinner ng Uzbekiztan.” 

Ang pang-anim naman na adult housemate ay isang energetic na babae na si Gin Regidor. Siya naman ang tinaguriang “Surviving Sementeryo Girl ng Cebu.”

Una nang pinangalanan sina Thamara Alexandria, Zach Guerrero, at Seham Daghlas bilang unang tatlong housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.