• Home
  • Fresh Scoops
  • Dalawang dekada ang nakalilipas mula nang unang mag-date sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Edu Manzano at Cherry Pie Picache, inaming dalawang dekada na mula nang unang mag-date

Dalawang dekada ang nakalilipas mula nang unang mag-date sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

 Edu Manzano at Cherry Pie Picache, inaming dalawang dekada na mula nang unang mag-date -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/28/2021 12:12 PM
 Edu Manzano at Cherry Pie Picache, inaming dalawang dekada na mula nang unang mag-date
Photo credits to Luis Manzano on Youtube

Hindi maikakaila ang naramdamang kilig ng mga netizens nang malaman ang tungkol sa namumuong pag-iibigan sa pagitan nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Ngunit marami ang nagulat — kabilang na ang anak ni Edu na si Luis Manzano — nang ibinunyag ng magkasintahan na dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang una silang mag-date. 

“Tahimik lang kami nu’n,” pag-amin ni Edu. Pagbubunyag naman ni Cherry Pie: “We were dating. Siguro mga two decades ago.”


Laking gulat naman ni Luis ang naging rebelasyon ng dalawa at sinabing: “Sobrang nagulat ako. Kumbaga, may binalikan.”

LOOK: Cherry Pie Picache shares sweet moments with Edu Manzano

“Hindi niya ako makalimutan,” pabiro ni Cherry Pie.

Sa kabila ng naudlot nilang pag-iibigan, nanatili naman umanong magkaibigan sina Edu at Cherry Pie. 

Ani Edu, nararamdaman pa nilang gusto nila ang isa’t-isa tuwing magkikita sila.

“After those 20 years, nanatili kaming magkaibigan. We never quite drifted apart. We always see each other sa iba’t-ibang okasyon. And sa iba’t-ibang mga gatherings. And we would always be talking sincerely. And we knew that we still like each other,” ani Edu. 

“Every time we see each other, you know there’s always [a tension] and in a good way. Pero I would always dismiss it,” dagdag naman ni Cherry Pie. 

“Actually, the chance na nagka-work kami sa Marry Me Marry You, wala namang expections eh. Tuloy lang ‘yun dun sa pagkikita namin in the past 20 years kung saan-saan,” ani pa ni Edu. 

Edu Manzano confirms relationship with Cherry Pie Picache

Pinuri naman ni Cherry Pie si Edu at sinabing bilib siya sa pagiging mabuting tao ni Edu lalo na sa kanyang mga anak. 

“He is a good man. His world revolves around his children, that’s a given na talaga,” ani Cherry Pie.