• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay direk Ice Idanan, nadadala ni Ricci Rivero ang disiplina bilang atleta sa showbiz.

Ricci Rivero hindi iiwanan ang basketball kahit bumida na sa pelikula

Ayon kay direk Ice Idanan, nadadala ni Ricci Rivero ang disiplina bilang atleta sa showbiz.

Ricci Rivero hindi iiwanan ang basketball kahit bumida na sa pelikula-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/26/2021 11:43 AM
Ricci Rivero hindi iiwanan ang basketball kahit bumida na sa pelikula
Photo credit: @ricciiirivero Instagram

Hinding-hindi pa rin daw iiwan ni Ricci Rivero ang paglalaro ng basketball kahit pa nagbida na siya sa pelikulang Happy Times na napapanood ngayon sa Upstream.ph katambal si Sharlene San Pedro.

“No, siyempre! Kapag mahal na mahal mo yung ginagawa mo tapos minsan napupuno ka lang din maghahanap ka kung ano pa ba yung ibang puwedeng gawin na talagang nai-enjoy mo din or nakakapagpasaya rin talaga sa ‘yo.

“’Yung shooting po at paggawa ng pelikula sobrang na-enjoy ko rin naman kasi kakaiba siyang experience for me. Mahirap umarte in front of the camera kasi ibang tao ka, eh. Challenging pero nakaka-enjoy din talaga,” simulang paliwanag ng basketball heartthrob ng UP Fighting Maroons. 


Patuloy pa ng binata, “I’m focusing now on basketball po. Nagte-training na ulit ako but then I went out lang for this virtual presscon to promote our movie.  Do’n po muna talaga ako for now magpo-focus, sa basketball.”

BASAHIN: Tambalang Sharlene San Pedro at Ricci Rivero sa ‘Happy Times’ nagsimula lang sa Twitter

Nagbahagi rin si Ricci ng proseso sa tinatawag niyang self-growth o kung paano  ini-improve ang kanyang sarili bilang athlete at isang indibidwal.

“Feeling ko malaki rin naman yung improvement ko,” nakangiti niyang sabi. “Kasi lahat naman tayo for sure nag-i-improve naman everyday. 

“As much as possible we try to accept yung mga mistakes natin, yung mga shortcomings natin in life para ma-correct natin siya.

“Kasi kung hindi natin siya tatanggapin mas mahihirapan tayong mag-improve as a person,” patuloy pa niya.

Sinisiguro din daw niya na binibigyan siya ng feedback o assessment ng mga taong nakapaligid sa kanya pagdating sa kanyang behavior.

“Everyday naman kapag may mga mistakes ako sinasabihan ko naman yung mga taong kasama ko na sabihan din ako para aware din ako. Kasi wala namang perfect di ba?

“Lahat tayo may pinagdadaanan, lahat tayo may masasayang pangyayari sa buhay pero siyempre kailangang alamin din natin kung paano siya iha-handle properly the best way possible palagi,” sambit ni Ricci.

BASAHIN: Ricci Rivero on launching movie ‘Happy Times’: ‘Hindi ko alam kung ano ang mapi-feel ko’

Bilang isang baguhang aktor sa Happy Times ay humanga naman sa kanya ang direktor na si Ice Idanan dahil marunong daw itong makinig at malaki talaga ang potential sa showbiz.

Lahad ng lady director, “Nagulat po ako kasi siyempre kilala ko si Ricci as a basketball player, di ba? Wala akong idea how he would be sa set. He is a natural at napakagaling makinig.

“You really know na he loves what he is doing kasi he really put an effort into it. Kumbaga, when you tell him something alam mo na pinag-isipan niya yon kasi the following day dala-dala niya. There’s really a potential in him, ang galing.”

Ayon pa sa Happy Times director ay malaking bagay ang disiplina ni Ricci bilang isang athlete sa paraan kung paano siya mag-behave sa paggawa ng pelikula.

“I think yung discipline niya as a an athlete nadala niya sa showbiz. And aside from that, he is actually a really good person as well, as in mabait siyang tao. Kumbaga, lumalabas yon, eh, kapag nasa set siya, na kahit alam niya ng may pupuntahan na siya yung respect niya for everybody is there. I’m so proud of him,” pagmamalaki pa niya.