• Home
  • Fresh Scoops
  • Bilib si Nadine Lustre sa pagtutulungan ng mga taga Siargao upang muli itong makabangon kasunod ng paghugpit ng bagyong Odette.

Nadine Lustre, pinakyaw ang mga solar panels sa isang hardware para sa Siargao

Bilib si Nadine Lustre sa pagtutulungan ng mga taga Siargao upang muli itong makabangon kasunod ng paghugpit ng bagyong Odette.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/26/2021 03:57 PM
Nadine Lustre, pinakyaw ang mga solar panels sa isang hardware para sa Siargao
Photo credit: Greenpeace Philippines Facebook Page and @nadine

Pinatotohanan ng isang netizen ang pagiging mabuting tao ni Nadine Lustre matapos pakyawin ng actress ang mga solar panels sa isang depot. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Nitong mga nakaraang araw, usap-usapan ang pagbili ni Nadine ng solar panels para sa mga taga Barangay Malinao sa Siargao upang magkaroon sila ng paraan para makapag-charge ng kanilang mga cellphone. 


Matatandaang isa ang Siargao sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette. Nakipagtulungan si Nadine sa non-governmental organization (NGO) na Greenpeace Philippines upang maisakatuparan ito. 

READ: Nadine Lustre calls for help for Siargao island following the onslaught of typhoon Odette

Kwento ng isang netizen na nangangalang Ervic, nagpunta siya sa isang hardware sa siyudad ng El Salvador sa probinsya ng Misamis Oriental upang bumili sana ng ilaw at solar kits.

Ngunit ng makarating siya doon, laking gulat niya nang malaman na ubos na ang supply ng mga solar kits matapos pakwayin ang mga ito ni Nadine.

Bagama’t nalungkot umano siya noong una, natuwa din siya kalaunan nang malaman na ginawa niya ito para sa mga taga Siargao.

Sa isang panayam naman ni Nadine sa GMA News reporter na si JP Soriano, sinabi ng Kapamilya star na proud siya sa mga taga Siargao dahil nakita niya ang pagtutulungan ng mga ito, upang muling makabangon sa kanilang pinagdaaanang pagsubok. 

BASAHIN: Nadine Lustre helps distribute relief goods, install solar panels in Siargao

“Guys, mahirap. I know it’s really hard. But I’m proud of everyone. I’m proud of you all helping each other at this time. Walang nagiging selfish. Talagang everyone is doing everything they can to help everyone,” ani Nadine. 

Naging malapit ang puso ni Nadine sa isla ng Siargao lalo pa’t napadalas ang pagbisita nito dito ngayong taon.