• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagtapos na ang pananatili nina Alexa Ilacad at KD Estrada sa loob ng Bahay ni Kuya.

Alexa Ilacad, KD Estrada na-evict na sa ‘Pinoy Big Brother’; Top 5 inanunsyo

Nagtapos na ang pananatili nina Alexa Ilacad at KD Estrada sa loob ng Bahay ni Kuya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/26/2021 09:20 PM
Alexa Ilacad, KD Estrada na-evict na sa ‘Pinoy Big Brother’; Top 5 inanunsyo
Photo credits: @PBBabscbn on Twitter

Sina Alexa Ilacad at KD Estrada ang pinakabagong housemates na na-evict sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Lumabas ang “Smartista Unica Hija ng Pasig” at ang “Music Wonder Boy ng Parañaque” matapos ang ilang linggong pananatili sa loob ng Big Brother house. 

Ani ng ina ni Alexa na si Dina, proud siya sa kanyang anak dahil alam napanalunan umano nito ang puso ng mga netizens.


“You have won the votes and hearts of the taumbayan and that makes you a real winner. You should be proud. We are proud of you,” ani ng nanay ni Alexa.

PANOORIN: Reaksiyon nina Brenda Mage at Anji Salvacion nang malaman ang pananalasa ng bagyong Odette

Para naman kay Alexa, proud siya sa kanyang nai-ambag bilang isa sa pinakamatulungin na mga housemates sa loob ng Bahay ni Kuya. 

“I think ang pinakaimportante na nabigay ko sa kanila bukod sa musika ay ang pagiging maalagain ko sa bawat housemate,” ani Alexa.

Samantala, nagsalita din si KD tungkol sa kanyang naging pananatili sa loob ng Bahay ni Kuya.

“It’s in my moniker, I gave music to the house,” sagot ni KD nang tanungin kung ano ang naibahagi niya sa PBB house.

“You did exactly what you said when you entered the PBB house: you did you and the people loved you for it. Nasa labas ng ‘PBB’ ang iba sa kanila right now. Sobrang overwhelming,” ani ng ama ni KD. 

READ: Eian Rances says Brenda Mage is most deserving to win PBB: Kumunity Season 10

Ang Top 5 naman para sa edisyong ito ay sina Alyssa, Samantha, Brenda, Madam Inutz, at Anji.