• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa edad na 47 years old, fit at sexy pa rin ang aktres na si Rachel Alejandro dahil sa kanyang diet at workout routine.

Rachel Alejandro, ibinahagi ang sikreto sa kanyang fit na pangangatawan

Sa edad na 47 years old, fit at sexy pa rin ang aktres na si Rachel Alejandro dahil sa kanyang diet at workout routine.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/25/2021 02:59 PM
Rachel Alejandro, ibinahagi ang sikreto sa kanyang fit na pangangatawan
Photo credit: @rachelalejandro Instagram

Sa edad na 47 years old, fit at sexy pa rin ang aktres na si Rachel Alejandro dahil sa kanyang diet at workout routine. 

Sa entertainment podcast na PUSH Bets Live, ibinahagi ni Rachel ang sikreto sa kanyang magandang pangangatawan, mula sa kanyang mga kinakain hanggang sa kanyang mga paboritong workout.


"Talagang [I] eat healthy food. Of course, doesn't mean naman na hindi ko kinakain lahat ng mga paborito kong [not-so-healthy food]," ani Rachel.

"Kasi that's the thing, eh, may kaibahan naman, like for instance, if I'm preparing for a concert, kapag nagpe-prepare ako para sa isang teleserye, doon ko talaga nili-limit 'yung mga portions at 'yung carbs. But the rest of the year, 'pag wala naman akong seryosong pagpapa-sexy na kailangang gawin, I just eat healthy."

Pagdating naman sa kanyang workout, hilig umano ni Rachel ang weight lifting at barre.

"Nung 2000, nag-umpisa na akong mag-work out sa gym regularly. Kapag nandito ako sa Pilipinas, meron akong talagang nagte-train sa akin with weights. Kasi 'yung strength training, napakalaking bagay 'yan para sa mga joints natin, para sa bone density natin, especially as we get older. It's important for our mobility para maging strong 'yung ating back, ang ating core," aniya.

"I alternate that minsan with barre. Barre workouts, gustong gusto ko 'yan kasi ang barre kino-combine niyan ang yoga, with a little bit of ballet. Maraming combined na exercises na talagang nata-target lalo na 'yung ating mga areas na as you grow older ay medyo bumabagsak na...'Yun ang mga workouts that I love to do. Hindi ako sobrang sipag talaga mag-cardio, although I do love to dance."

Samantala, nagbigay din si Rachel ng kanyang tips para sa mga nais na maging fit katulad niya.

"'Di ba nakakalungkot talaga mag-workout mag-isa? Pero napakarami naman actually na mga free workout videos na pwede niyong sundan. Kahit nga sa YouTube lang eh, marami na kayong mapapanood...And I would highly recommend na mag-yoga kayo, Pilates, and barre, like I said," aniya.

Mayroon din siyang payo para sa mga nais na magbawas ng kanilang timbang. 

"Kapag tumigil kayo [kumain] at a point na medyo na-satisfy na 'yung tiyan niyo pero gusto pa ng bibig, 'yun 'yung perfect, sweet spot na tinatawag. 'Yun 'yung nag-co-cause ng weight loss, kasi ibig sabihin nun na-satisfy niyo na actually 'yung need ninyo for food, 'yung hunger...[At] dahil onti lang 'yung kinain mo, magugutom ka nun ulit. Then you eat a healthy snack, something small. Kapag ginawa niyo 'yun, I can guarantee you, papayat kayo," ani Rachel.

"One of the secrets na sinabi sa akin ng nutritionist, for weight loss you can only have a total of one cup of rice for the whole day, or one piece of bread. So kunyari, i-divide niyo 'yung rice na 'yun into half cup, half cup, papayat kayo niyan."

BASAHIN: Rachel Alejandro on making a comeback to singing and acting this year: ‘It’s a proud day for me’

Sa podcast, nagkwento rin si Rachel tungkol sa kanyang bagong inilabas na album na Rachel Alejandro: The Great OPM Songbook at ang kanyang role sa inaabangang teleserye na The Broken Marriage Vow.

Pakinggan ang buong episode dito:

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Maliban sa PUSH Bets Live, may dalawa pang segments ang PUSHPUSH Most Wanted at PUSH Extra Scoop—ang mayroon ding kanya-kanyang podcast versions. Mapapakinggan naman ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.