• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Brenda Mage ang pagbuhos ng kanyang mga luha nang malaman ang nangyari sa labas ng bahay ni Kuya.

PANOORIN: Reaksiyon nina Brenda Mage at Anji Salvacion nang malaman ang pananalasa ng bagyong Odette

Hindi napigilan ni Brenda Mage ang pagbuhos ng kanyang mga luha nang malaman ang nangyari sa labas ng bahay ni Kuya.

PANOORIN: Reaksiyon nina Brenda Mage at Anji Salvacion nang malaman ang pananalasa ng bagyong Odette-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/22/2021 09:32 PM
PANOORIN: Reaksiyon nina Brenda Mage at Anji Salvacion nang malaman ang pananalasa ng bagyong Odette
Screenshots from Pinoy Big Brother YouTube Channel

Ipinaalam ni Kuya sa mga housemates na sina Brenda Mage at Anji Salvacion ang sinapit ng kani-kanilang mga pamilya dahil sa hagupit ng bagyong Odette.

https://www.instagram.com/p/CN-BEzYnvm6/

Sa episode ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na umere nitong Lunes, ika-20 ng Disyembre, ipinakita sa mga housemates na sina Brenda at Anji ang laki ng pinsala na dulot ng bagyong Odette na nanalasa sa iba’t-ibang mga lugar sa Visayas at Mindanao.


Parehas na nasalanta ng bagyong Odette ang mga lugar nina Anji na taga-Siargao at Brenda na taga-Cagayan de Oro. 

Nakatanggap si Anji ng mensahe mula sa kanyang ina na si Melissa na sinabi sa kanya na ligtas ito ngunit hindi makontak ang ilan sa kanilang mga kapamilya sa isla ng Siargao.

Samantala, nagpadala naman ng mensahe ang kapatid ni Brenda na si Charren Amestoso kung saan ipinaalam sa kanya na bagama’t natuklap ang bubong nila ay maayos naman ang kalagayan nito ng kanyang pamilya. 

READ: Brenda Mage reveals choosing PBB over role in ‘Darna: The TV Series’

Hindi naman napigilan ni Brenda ang pagbuhos ng kanyang mga luha nang malaman ang tungkol sa sinapit

“Nararamdaman ko sa boses ng ate ko, okay sila, pero feeling ko, ‘yung negosyo ng ate ko… Kung mataas ‘yung tubig, umabot sa kalsada namin, malamang ‘yung negosyo na binigay ko sa kanila, feeling ko nasalanta iyon. Nandoon pa ang tindahan nila,” aniya. 

“Ngayon, alam ko okay ang pamilya ko, pero ang hanapbuhay nila… Babalik na naman sila sa umpisa,”saad pa ni Brenda.

Bihira ang PBB magsabi sa mga housemates ng mga kaganapan sa labas ng Bahay ni Kuya maliban na lamang kung may mga insidente ng kalamidad o hindi naman kaya ay mga sakit o aksidenteng hindi inaasahan.

Matatandaang ipinaalam kay Eian Rances ang operasyon na ginawa sa kanyang ama na ipinakita sa isang episode ng PBB.