• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Andrew E kung bakit siya walang isyu o skandalo sa loob ng tatlong dekada sa showbiz.

Andrew E: ‘Ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan’

Ikinuwento ni Andrew E kung bakit siya walang isyu o skandalo sa loob ng tatlong dekada sa showbiz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/22/2021 04:46 PM
Andrew E: ‘Ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan’

Ayon kay Janno Gibbs, si Andrew E ang pinakamatino at pinakamabait kumpara sa kanilang tatlo ni Dennis Padilla na mga bida sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 ng Viva Films. Sobrang haba raw kasi ng pasensya ni Andrew E at hindi talaga marunong magalit.

“Si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone,” papuri ni Janno kay sa rapper-comedian.

“Ako na siguro yung pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis. Kung kailan ako naging sanggano? Lately lang. Magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin niyo lang,” natatawang hirit pa singer-actor na obviously ay si Kitkat ang tinutukoy.


Generous din kung i-describe ni Janno si Andrew E.

“Isa sa mga na-discover ko din kay Andrew, mas generous siya ngayon. Grabeng magregalo si Andrew sa staff, pati sa aming mga artista,” sabi pa niya.

Andrew E misses being a rapper: ‘Super love ko pagiging rapper’

Mapagpakumbabang pinatotohanan naman ni Andrew ang tinuran ni Janno. Sa loob daw kasi ng halos tatlong dekada niya sa showbiz ay hindi pa siya nasangkot sa kahit anong isyu at skandalo.

Aniya, “In the three decades of being a movie actor or being a rapper, napatunayan ko na po sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista at ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan.

“Kahit sinuman hindi ninyo kayang ubusin ang pasensya ko po. So, kunyari may mabalitaan kayong nag-ano  ako o naging pasaway sa movies, sa concerts wala po kayong mababalitaang ganun. Kaya for me po, at least nasabi ko sa sarili ko na my patience is very, very wild and long.”

Aminado din si Andrew E na sa tagal na niyang nakakasama sa pelikula sina Janno at Dennis ay mas lumambot na siya rito.

“Yung camaraderie ko sa kanila parang mas lumambot ngayon, mas nagdyi-gel ako ngayon na para akong melting cheese para sa kanila. Para bang hindi lang ito basta pag-aartista kundi pagiging kumpare ko pa sa kanila dahil di ba yung experience ko with them wala pa akong mga anak no’n  kaya hindi ko pa sila kumpare. But now, kumpare ko na sila at higit pa do’n kaya lalong lumalim yung pakikisama ko sa kanila,” kuwento ni Andrew E.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng SSS2 kumpara sa ibang sexy comedy films nilang ginawa?

“This  is our third new movie together—yung unang Sanggano, Pakboys, and this one. Compared to the two, I think this is the naughtiest one. Parang mas marami kaming adlib dito sa movie na ito.

“We were given more liberty and this movie. I think it’s the most fun out of the three,” paliwanag ni Janno.

Andrew E, hindi inaasahan na papatok at maghi-hit sa new generation ang kanta niya

Ano ba ang kanilang Christmas plans ngayong medyo unti-unti nang bumabalik sa dati ang lahat?

Sey ni Janno, “Ako, medyo kulang kami. I’m waiting for my other daughter, my panganay. She is in Singapore, medyo nahihirapan siyang makabalik dito, hoping ako na makumpleto kaming pamilya this Christmas.”

Para naman kay Andrew E., “Me and my family will be in L.A. sa US this coming Christmas para na rin sa vacation time ng aking mga anak and at the same time ay yung tour ko naman for next year—yon ang isa sa mga dahilan din. And then pagbalik, probably do another movie courtesy of Viva Films, yon lang po ang aking plan this season.”

Bukod kina Janno, Andrew E, at Dennis ay kasama rin sa SSS2 sina Juliana Parizcova Segovia, Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena, at Pepe Hererra. Ang pelikulang idinirek ni Al Tantay ay streaming sa Vivamax on December 31.