• Home
  • Fresh Scoops
  • Labis na nasasaktan si Andi Eigenmann sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanyang fiancé.

Andi Eigenmann, dinepensahan si Philmar Alipayo sa umano’y pagnanakaw ng donasyon para sa Siargao

Labis na nasasaktan si Andi Eigenmann sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanyang fiancé.

Andi Eigenmann, dinepensahan si Philmar Alipayo sa umano’y pagnanakaw ng donasyon para sa Siargao-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/22/2021 05:58 PM
Andi Eigenmann, dinepensahan si Philmar Alipayo sa umano’y pagnanakaw ng donasyon para sa Siargao
Photo credit: @andieigengirl Instagram

Hindi napigilan ni Andi Eigenmann na magsalita sa mga isyung ibinabato sa kanyang partner na si Philmar Alipayo kaugnay sa mga donasyon na pumasok sa isla ng Siargao na isa sa pinakanapuruhan na lugar nang manalasa ang bagyong Odette noong nakaraang linggo.

Sa isang post ni Andi sa kanyang Instagram stories, dinepensahan nito si Philmar sa mga taong nang-aakusa na ninanakaw umano nito ang mga donasyon na pumapasok sa Siargao mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa. 


Ani Andi na lumipad papuntang Maynila bago manalasa ang bagyong Odette, lumipad pa umano si Philmar papuntang Siargao para lang masiguro na maayos ang kalagayan ng kanilang pamilya doon at makapagpaabot ng tulong sa mga taong naapektu.

“Philmar just got back to Siargao and left me and the kids behind with a heavy heart in order to go and see our family and see what more we could do to help,” saad ni Andi. 

READ: Andi Eigenmann and Philmar Alipayo ask for prayers and help as typhoon Odette slams Siargao

Pagbabahagi pa ng aktres, may mga dala pa ang kanyang asawa papuntang Siargao kabilang na ang ilang mga kagamitan at essentials para sa mga tao doon. 

“When he got a seat on the @sunlight_air plane as volunteer, we also asked beforehand if he was allowed to bring some boxes with him so he could readily bring food and other essentials to his family and our loved ones there. They said yes,” ani Andi.

Kaya naman hindi napigilan ni Andi na malungkot nang malaman na may mga kumakalat na tsismis na nagnakaw ang kanyang partner samantalang naglabas pa umano ito ng sariling pera para lang makatulong. 

“It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored his chance to use his platform to ask for them, since he’s willing to use his own money just to help our community out,” pag-amin ni Andi. 

Pagpapatuloy pa ni Andi, labis siyang nasasaktan sa mga kumakalat na isyu. “Just so hurtful that it is always seems to be so hard to believe that my fiancé has his own money to spend too because he works to earn it,” aniya. 

Taliwas sa iniisip ng iba, simple lamang umano ang kanyang partner kaya naman hindi mahirap para sa kanya ang magpaabot ng tulong. 

READ: Nadine Lustre calls for help for Siargao island following the onslaught of typhoon Odette

“Now with some, he is still the simple man who doesn’t really need much — just for his kids to have a good life. Which is why it isn’t hard for him to share his blessings to his home,” ani Andi. 

“Before he left, I kept telling him to take care. And he kept assuring me he will be ok by saying, ‘Mahal, I am used to having nothing. We are used to having no bed to sleep on, no aircon, no purified water, no proper food to eat. We will be ok,’” dagdag pa ni Andi.