Vice Ganda, nag-donate ng kanyang talent fee para sa mga nasalanta ng bagyong Odette | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, nag-donate ng kanyang talent fee para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Vice Ganda, nag-donate ng kanyang talent fee para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Gary Ann Lastrilla

Clipboard

Inanyayahan ng mga It’s Showtime hosts ang mga madlang pipol na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette kamakailan.

Sa episode ng noontime show ngayong Martes, Disyembre 21, nagbahagi ng mga detalye ang mga hosts kung papaano makakatulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Aniya, bukas ang ABS-CBN Foundation para sa anumang klase ng donasyon, maging cash or in-kind.

“Habang tayo’y nagkakasiyahan, alam kong marami tayong ginagawa, marami tayong naplano, pero as our lives go on, ‘wag nating kalimutan na may mga nangangailangan na mga Kapamilya natin ng tulong na mga nabiktima ng bagyong Odette sa Cebu, sa Siargao, at sa napakaraming lugar sa Pilipinas. Kaya sana magtulong-tulong po tayo, kailangan po tayo ng mga kababayan natin,” ani Vice Ganda.

“Again, alam ko Pasko ngayon, nagkakasiyahan tayo pero isipin pa rin natin kahit papaano isama natin sa mga plano natin ang mga kababayan nating nabiktima ng Odette.”

Dagdag pa niya, “Kung may mga gusto hong magdonate, puntahan niyo ‘yung mga social media accounts namin sa Instagram, sa IG Stories ko. Pinost ko ‘dun kung saan kayo pwedeng magdonate [sa] ABS-CBN Foundation... At bilang panimula, yung TF (talent fee) ko ngayong araw ibibigay ko sa Sagip Kapamilya para sa mga Kapamilya natin.”

ADVERTISEMENT

“Sinong gustong sumunod?” tanong ni Vice sa kanyang mga co-hosts na agad nagsabing sila rin ay susunod sa yapak ng seasoned comedian-host. “Kasama mo kami diyan, meme [Vice],” sagot ni Amy Perez.

“Ayan, ipapadala po namin ‘yung aming tulong sa Sagip Kapamilya. Sana po madlang pipol, kung may kakayahan po kayo, sumunod po kayo doon. Maraming, maraming salamat po,” pagwawakas ni Vice Ganda.

Panoorin ang buong kaganapan dito.

Nitong nakaraang linggo lang nang manalasa ang bagyong Odette sa maraming lugar sa Visayas, Northern Mindanao, at Southern Luzon. Dahil dito, maraming kababayan ang lubhang naapektuhan, nawalan ng tahanan, at napilitang lumikas.

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot na sa 156 ang death toll habang 275 ang sugatan at 37 ang nawawala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.