• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang proud daddy moment ang ibinahagi ni Paolo Ballesteros kamakailan.

Paolo Ballesteros, proud sa first honor na anak na si Keira

Isang proud daddy moment ang ibinahagi ni Paolo Ballesteros kamakailan.

Paolo Ballesteros, proud sa first honor na anak na si Keira -Gary Ann  Lastrilla
BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

12/21/2021 11:32 AM
Paolo Ballesteros, proud sa first honor na anak na si Keira
Photo credits to @pochoy_29 on Instagram

Proud daddy ang actor-host na si Paolo Ballesteros sa anak na si Keira Claire Ballesteros na nakakuha ng mataas na marka sa paaralan.

Meet Paolo Ballesteros’ beautiful daughter Keira Claire

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang screenshot ng general average ni Keira para sa first term. Nakakuha ang anak niya ng 93.44 numeric grade na katumbas ng letter grade of A-.  


Caption ni Paolo sa kanyang post, “GOOD MORNENG! Flex ko lang yung 1st honor kong junakiz ♥️♥️♥️ i love you anak berigood.”  

Maraming celebrities ang natuwa sa latest achievement ni Keira. Kabilang na rito sina Neri Naig-Miranda, KaladKaren, Ryan Agoncillo, Pokwang, Maja Salvador, DJ Loonyo, Danica Sotto-Pingrisk,at Ciara Sotto.  

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ng proud daddy moment si Paolo dahil sa anak. Madalas magpakita ang Die Beautiful at The Panti Sisters star ng suporta para kay Keira sa mga academic achievements nito noon pa man.

Paolo Ballesteros takes pride in daughter’s achievement

Si Kiera ay anak ni Paolo sa kanyang dating non-showbiz flame na si Katrina Nevada. Bagama’t naghiwalay na sila ay nanatiling close pa rin ang dalawa.