• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Dingdong Dantes ang naging pagbisita nila sa Holy Land.

Dingdong Dantes emosyonal nang makarating sa Jerusalem

Ikinuwento ni Dingdong Dantes ang naging pagbisita nila sa Holy Land.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/21/2021 05:59 PM
Dingdong Dantes emosyonal nang makarating sa Jerusalem
Photo credit to @dongdantes Instagram

Kaagad na nagtungo sa isang IATF-accredited (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions) hotel sa Manila para sa mandatory quarantine ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes pagkatapos nilang bumalik ng Pilipinas noong December 15 galing sa Israel. Sinamahan ni Dingdong ang asawang si Marian nang mag-judge ito sa Miss Universe 2021 na ginanap noong December 13 (PH time) sa Israel.

Habang naka-quarantine ay balik-trabaho na rin agad si Dingdong. Humarap siya sa isang digital mediacon para sa action film na A Hard Day na pinagbibidahan niya na official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong December 25.

Dito na ibinahagi ng aktor ang unforgettable experience niya nang bumisita sila ni Marian sa Jerusalem o Holy Land.


“Kababalik lang namin noong December 15 and so, parang ngayon nagsi-sink din lang lahat ng mga ginawa namin the past days. And masaya ako dahil nabigyan ako ng opportunity talaga na ma-witness lahat yun.

“Kasi ang role ko naman talaga, nandoon ako to support Marian kung anuman yung pangangailangan niya. But, you know, even as a part of her support group, nakita mo, na-witness mo talaga how important that event is not just for her but also for the world. We’ve got to see different advocacies,” simulang kuwento ni Dingdong sa PUSH at sa ilang showbiz press.

READ: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit Jerusalem

Patuloy niya, “Personally, nakapunta kami ng Jerusalem, isang bagay na talagang pinangarap lang namin noon at nagawa namin ngayon. So, lahat, among many others, talagang masasabi kong napakagandang experience.”

Inamin din ni Dingdong na naing emosyonal siya nang makarating sa Jerusalem.

“Grabe, lalo na yung tomb, yung final resting place Niya (Jesus Christ). Di ba, bago Siya mag-resurrect, nakapasok talaga kami sa loob.

“Talagang, oh my God, ibang klase! Kakaibang experience talaga. Tindig-balahibo!” 

Naikuwento rin ni Dingdong na normal lang ang buhay ng mga tao sa Israel dahil ang bansa ang isa sa may pinakamababang kaso ng COVID-19.

“Ang Israel, sa ngayon, isa sa pinakamababang kaso ng COVID. In fact, if you ask around, they would say zero cases sila. Kaya ganoon sila ka-strict nang magkaroon ng isang kaso ng Omicron, talagang nag-lockdown sila.

“That’s the reason why muntik nang hindi matuloy yung pageant dahil yung buong bansa, isinara nila sa turista, so mabuti na lang pinayagan nila yon. Very, very strict sila.

”Every two days, nagpi-PCR test kami. Ganoon sila kasigurista pagdating sa health protocols. That’s why kahit papaano, kampante kami na alam namin na yung lugar kung nasaan kami ay very very safe. Pero siyempre, naka-mask pa rin kami all the time.

“Yung mga nakakasalubong nga namin sa kalsada, nagtataka, ‘Bakit kayo naka-mask kasi okay dito?’ Pero siyempre, bilang respeto sa kanila, dahil kami hindi naman tagaroon, parang what if kami ang may dala? So, we still get the mask on.

 “Pero nakakamangha na, in a way, normal na yung galawan nila doon. Normal na, nandoon na sila. Social distancing pa rin. In enclosed areas, in some areas, nire-require pa rin nila yung mask,” tuluy-tuloy pang pahayag ni Dingdong.

READ: Zia Dantes turns 6

Ayon pa sa A Hard Day lead actor, nagbabalak ulit sila ni Marian bumalik sa Israel para mabisita naman ang Bethlehem, ang lugar kung saan ipinanganak ni Virgin Mary si Jesus Christ.

“Hindi kami nakapunta sa Bethlehem, pero sa Jerusalem oo. Yung Stations of the Cross, sadly, hindi kami umabot sa Bethlehem kasi limited lang yung oras namin. Babalik kami,” sey pa ng aktor.

Samantala, ang A Hard Day ay Pinoy adaptation ng blockbuster South Korean suspense-action movie. Kasama ni Dingdong sa pelikula na idinirek ni Law Fajardo at prinodyus ng Viva Films ang award-winning actor na si John Arcilla.