• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama ni Alex Gonzaga ang kapwa vlogger na si Zeinab Harake sa pagbibigay ng tulong sa isang elementary teacher.

Zeinab Harake at Alex Gonzaga, namigay ng P160,000 sa isang elementary teacher

Kasama ni Alex Gonzaga ang kapwa vlogger na si Zeinab Harake sa pagbibigay ng tulong sa isang elementary teacher.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/20/2021 12:23 PM
Zeinab Harake at Alex Gonzaga, namigay ng P160,000 sa isang elementary teacher
Photo credits to Zeinab Harake on Youtube

Namigay ng pera na nagkakahalaga ng P160,000 ang online personality na si Zeinab Harake kasama ang aktres at kapwa vlogger na si Alex Gonzaga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Sa isang vlog kung saan gumanap na “Santa Zebby” si Zeinab, naging instrumento si Alex upang maabot ang pera sa nasabing elementary teacher. 


Si Alex ay nagsilbi bilang isang guest player sa vlogmas series ni Zeinab. Dito, si Alex ang nagdikta kay Zeinab na mamigay ng nasabing halaga sa letter sender. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Sa nasabing vlog, game na sumabak ang asawa ni Alex na si Mikee Miranda sa isang masayang laro kung saan kailangan nilang maipasok ang mga bola sa iba’t-ibang cups na naglalaman ng mga halagang P1,000, P2,000, at P3,000. 

Hindi napigilan ni Zeinab na matuwa sa guro na si Teacher Rachel nang malaman mismo rito sa kanya na inuna nito ang mga bata kaysa sa kanyang sarili.

Alex Gonzaga reveals she has a foundation for scholars after netizen asks her to give back to society

Isa sa mga misyon ng nasabing guro ang maturuan ang mga estudyante nito kung paano magbasa lalo na gitna ng pandemya kung saan hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapasok sa eskwelahan para sa mga pisikal na klase. 

“Ang wish ko po ay para sa mga estudyante ko. Balak po kasi namin na makakuha ng mga materials na gagamitin para sa pagbasa ng mga bata. ‘Yun nga po ang tinawag naming PBB, ‘Pandemya ka lang, Babasa ang Bata,’” ani ng nasabing guro. 

Sa huli, nakalikom sila ng P150,000 ngunit dinagdagan pa ito ni Zeinab ng sampung libong piso kaya naman umabot ito ng P160,000. 

“Nagpapasalamat po kami lalong lalo na ang paaralan ko kasi hindi lang po ito para sa iisang tao lang na matutulungan kundi pati ‘yung 7,000 na mga bata ng Camarin D Elementary School,” pasasalamat ni Teacher Rachel kay Alex.