Kris Aquino, nakipagtulungan kay Angel Locsin; nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Nagpaabot na si Kris Aquino ng tulong sa mga taga Mindanao.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/20/2021 11:38 AM
Kris Aquino, nakipagtulungan kay Angel Locsin; nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette
Photo credits to @krisaquino on Instagram

Nagpaabot ng tulong si Kris Aquino sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa pamamagitan ng aktres na si Angel Locsin.

Sa isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang isang video mula sa bakasyon nila ng kanyang fiancé na si Mel Sarmiento, sinabi ni Kris na hindi niya nakakalimutan ang kanyang mga kababayan sa gitna ng pananalasa ni Odette. 
 
“Ayoko pong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napaka lakas at bagsik ng bagyong #odette,” ani Kris. 
 
Ani Kris, hindi niya idedetalye kung anu-ano ang mga ginawa niya upang matulungan ang mga kababayan ngunit sinigurado niya na nakapagpaabot siya ng tulong sa mga panahong ito. 
 
“Hindi na po ako mag dedetalye pero nonstop ang communication ko sa mga kaibigan kung paano makakatulong,” ani Kris. 
 
Pagbabahagi pa ni Kris, nakatanggap na rin ng tulong ang mga taga-Mindanao.


Angel Locsin reacts to being called a ‘Hero of Philanthropy’

Napadalhan din umano ni Kris ng tulong ang nanay at mga pamangkin ng kanyang fiancé na nawalan ng kuryente at tubig at nasiraan ng generator.  
 
Hindi rin umano napigilan ni Kris na maiyak para sa mga taga-Cebu na naubusan na ng supply ng gasolina. 
 
“Paubos na rin po ang gasolina sa Cebu. Kaya grabe ang iniiyak ng puso ko para sa mga nawalan ng lahat,” ani Kris.
 
Ibinahagi din ni Kris na muli siyang nakipagtulugan kay Angel Locsin upang magpaabot ng tulong sa kalamidad. 
 
“Matagal na kaming tandem ni @therealangellocsin pag ganitong may kalamidad at araw araw kaming naguusap kung paano ba makakatulong. Kinukulit namin ni alvin si Ina ni vp,” ani Kris. 
 
Hinikayat din ni Kris ang kanyang mga kapwa Pilipino na patuloy na manalig sa kinakaharap ngayong panibagong krisis. 

 
“God bless the 🇵🇭 during yet another crisis. Sana wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng mag bibirthday sa December 25,” ani Kris. 

Nanalasa si Odette sa iba’t-ibang parte ng Visayas at Mindanao nitong nakaraang Linggo.