• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaki ang pasasalamat ni Jane de Leon sa ‘Darna’ co-star nitong si Joshua Garcia na to the rescue sa kanyang wardrobe malfunction.

Jane de Leon, pinasalamatan si Joshua Garcia sa pagprotekta sa kanyang ‘wardrobe malfunction’

Malaki ang pasasalamat ni Jane de Leon sa ‘Darna’ co-star nitong si Joshua Garcia na to the rescue sa kanyang wardrobe malfunction.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/20/2021 05:34 PM
Jane de Leon, pinasalamatan si Joshua Garcia sa pagprotekta sa kanyang ‘wardrobe malfunction’

Usap-usapan nitong nakaraang linggo ang pagkakaroon ng aktres na si Jane de Leon ng wardrobe malfunction sa naganap na ABS-CBN Christmas Special. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


 

Sa nasabing video, makikitang nagtago si Jane sa likod ni Joshua habang tinatakpan ang itaas na bahagi ng kanyang suot na dress. 

Kaya naman pinasalamatan ni Jane ang kanyang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series co-star sa pagsagip sa kanya mula sa posibilidad na mailantad ng aksidente ang kanyang dibdib sa telebisyon. 

READ: Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, among the new cast members of ‘Darna’

Nagtago si Jane sa likod ni Joshua habang naka-akbay ang kanyang braso sa leeg nito. 

Naganap ang nasabing insidente sa entablado kung saan nagsama-sama ang ilan sa mga malalaking artista ng ABS-CBN para awitin ang Christmas ID ngayong taon, ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t-Isa.”

 

 

Nauna nang ibinahagi ni Jane ang ilang reaksiyon nga mga netizens sa ginawang pagsagip ni Joshua sa kanya. 

Marami naman ang pumuri kay Joshua dahil sa ginawa nito upang maprotektahan si Jane. 

“Chivalry ain't dead. Joshua Garcia protects his 'Darna: The TV Series' leading lady Ms. Jane De Leon after suffering wardrobe malfunction,” saad ng isang netizen. 

 

 

Sina Jane de Leon at Joshua Garcia ang mga bida sa inaabangang teleserye ng 2022 na Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.