• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Crush Kong Curly; director GB Sampedro talks about how his two lead stars fared in the latest Vivamax movie.

Director GB Sampedro on shooting sexy scenes of AJ Raval and Wilbert Ross: ‘Hindi mahahaluan ng malisya’

‘Crush Kong Curly; director GB Sampedro talks about how his two lead stars fared in the latest Vivamax movie.

 Director GB Sampedro on shooting sexy scenes of AJ Raval and Wilbert Ross: ‘Hindi mahahaluan ng malisya’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/20/2021 10:06 AM
 Director GB Sampedro on shooting sexy scenes of AJ Raval and Wilbert Ross: ‘Hindi mahahaluan ng malisya’
Photo credits to @gbsampedron on Instagram

For Vivamax’s newest sexy rom-com Crush Kong Curly, director GB Sampedro denied that he was being conservative when it comes to shooting the intimate scenes between his two lead stars AJ Raval and Wibert Ross.

“Una, marami pang nakatago diyan sa pelikula na aabangan nila na mga sexy scenes. Actually pag gumagawa ako ng sexy scenes I make sure na kinakausap ko mabuti yung mga artista ko para alam nila kung ano yung gagawin, kung ano yung hihingin ng eksena. Pinag-uusapan namin mabuti yun kung paano ko i-shu-shoot yun, kung paano ko i-a-anggulo. Para lang pagdating dun sa actual take, lahat sila kumportable. Kapag gumagawa ako ng mga ganitong eksena gusto ko kumportable yung mga artista ko at hindi sila nakaka-feel na nababastos sila. Iningatan ko mabuti yan kasi ganun din naman ako sa lahat ng artista na nakakatrabaho ko. Actually kahit hindi sexy, ini-ingatan ko yung mga artista ko para masaya sila sa set habang nag-sh-shoot,” he explained.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gb Sampedro (@gbsampedro)


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gb Sampedro (@gbsampedro)


“Sa personal na pagkakakita ko dun sa filming namin, una, magkaibigan kasi yang dalawa. Pangalawa, very professional nilang hinawakan yung eksena. So pagka-ganung atake ang ginawa mo, kumbaga hindi mahahaluan ng malisya. Hindi ka mahahaluan ng kumbaga ibang feeling habang ginagawa niyo yun. Kasi ina-act nila yung eksena. Siguro malaking tulong nga rin na magkaibiigan sila. Dun kasi lalabas yung galing ng artista eh. Kasi pag sinabi mong malisya it’s something personal na talagang may na-feel siya na galing sa loob. Sa kanila, naipapakita nila sa camera ng hindi nanggagaling sa malisya. Na-act out nila ng maayos kaya na-rehistro ng tama. Lumabas ng tama. Kumbaga makikita mong may relasyon sila, makikita mo yung nagkakagustuhan sila, lumabas yun. Pero yung malisya na personal, yun ang talagang hindi ko nakita,” he added. 

READ: AJ Raval naiyak sa presscon nang maalala kung paano hinusgahan ng mga tao

When asked to share his assessment of Wilbert Ross’s first starring role, the Crush Kong Curly director had no complaints after working with the Hashtags member.

“Para sa first time na bibida sa pelikula, masasabi kong ginawa niya lahat. Masasabi kong nag-aaral yan nung trabaho niya, nag-aaral ng script. Very professional. At pagdating naman sa pag-arte, tama naman yung binibigay niya. Para nga sa akin, sakto siya dun sa character na pinortray niya,” he shared. 

READ: AJ Raval says she is ready to forgive her bashers: ‘Na-mi-misinterpret lang nila ako’

Watch the romantic sexy comedy film Crush Kong Curly on Vivamax. Starring AJ Raval, Wilbert Ross, Chad Kinis, Maui Taylor, Jao Mapa, and Gina Pareño. Directed by GB Sampedro.