• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa din si Sharon Cuneta na makakatrabaho niya si Dimples Romana sa isang proyekto.

Dimples Romana, nag-fangirl kay Sharon Cuneta; gustong makakatrabaho ang megastar

Umaasa din si Sharon Cuneta na makakatrabaho niya si Dimples Romana sa isang proyekto.

Dimples Romana, nag-fangirl kay Sharon Cuneta; gustong makakatrabaho ang megastar-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/20/2021 06:06 PM
Dimples Romana, nag-fangirl kay Sharon Cuneta; gustong makakatrabaho ang megastar
Photo credit to @dimplesromana Instagram

Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Dimples Romana sa kanilang naging pagkikita ng nag-iisang megastar na si Sharon Cuneta. 

Naganap ang kanilang pagkikita sa katatapos lang na ABS-CBN Christmas Special.


Kitang-kita ang mga ngiti ni Dimples sa ilang litrato na ibinahagi niya sa social media kung saan magkayakap sila ni Sharon. 

Ani Dimples, parang nananaginip lamang siya dahil sa hindi kapani-paniwalang pangyayari na naganap sa kanyang buhay sa mundo ng showbiz. 

“Someone come pinch me I’m dreaming,” saad ni Dimples sa caption ng kanyang post. “Love you FOREVER Ma’am @reallysharoncuneta,” ani pa ni Dimples. 

Pagbabahagi pa ni Dimples, isa umano si Sharon sa mga artistang ramdam ang yakap na ibinibigay gaya ng ipinakita nito sa kanya. 

READ: Dimples Romana celebrates 24 years in show business

“You give the tightest, most genuine hugs!” sey ni Dimples. 

Samantala, umaasa naman si Dimples na makakatrabaho nito si Sharon sa mga susunod na panahon. 

“Praying to be able to share the screen with you one day, someday ðŸ‡µðŸ‡­,” ani Dimples. 

Sa isa pang litrato, makikitang magkakayakap sila ng kanyang close friend na si Julia Montes na katrabaho ngayon ni Sharon sa long-running ABS-CBN series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagkomento din si Sharon tungkol sa kanilang pagkikita ni Dimples. Nilarawan ni Sharon si Dimples bilang isang sa mga totoo at malambing na artistang kilala niya. Umaasa din umano siya sa kanilang susunod na pagkikita upang lubusan pang mas makilala ang Viral Scandal star. 

“I pray that too, dearest Dimples! You are one of the ‘realest,’ sweetest actresses I know and hope to get to know better! Hope to see you again soon! Laaaab yuuu!” ani Sharon. 

READ: PRETTY IN PINK! Dimples Romana reveals her new look for 2021

Ipinagdiwang ni Dimples ang kanyang ika-24 na taon sa industriya ng showbiz ngayong taon.