• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi nina Madam Inutz at Brenda Mage na wala umanong silbi si Alexa Ilacad.

Netizens, hati sa opinyon kina Madam Inutz at Brenda Mage at kay Alexa Ilacad

Sinabi nina Madam Inutz at Brenda Mage na wala umanong silbi si Alexa Ilacad.

Netizens, hati sa opinyon kina Madam Inutz at Brenda Mage at kay Alexa Ilacad-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/02/2021 10:00 AM
Netizens, hati sa opinyon kina Madam Inutz at Brenda Mage at kay Alexa Ilacad

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga binitawang salita ng mga housemates na sina Madam Inutz at Brenda Mage tungkol sa housemate na si Alexa Ilacad. 

Sa livestream ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 sa streaming app na Kumu, naglabas ng kanyang prediksyon si Madam Inutz kung sino ang susunod na lalabas ng bahay ni kuya.

Brenda Mage becomes emotional about secret task for Alexa Ilacad’s graduation pictorial


Kadalasan sa mga nanonomina ni Madam Inutz ay lumalabas ng bahay — dahilan para bumilib ang mga netizens sa kanya sa aspetong ito.  

"Ako tingin ko talaga diyan, Karen or Alexa (ang mae-evict). Pero kung malakas ang supporters ni Alexa,” saad ni Madam Inutz. 

Dagdag pa ni Madam Inutz, halos wala raw siyang makitang ginawa si Alexa kundi magpasiklab sa kanyang talento sa musika.

"'Yun lang din ang pinagtataka ko. So far na andito ako, wala pa akong nakikitang nagawa (ni Alexa) as in puro lang music,” ani Madam Inutz.

Sinegundohan pa ito ni Brenda na nagsabing wala umanong ambag si Alexa sa loob ng bahay.

"Puro lang siya music, wala nga siya ambag dito. Tingnan mo sa grupo nila, iyakin kasi wala siyang nagagawa, zero lagi ambag niya. Kanina sa tingin mo may ambag ang lakas niya? Wala rin. Sa lahat ng task, wala siya ambag,” ani Brenda.

PANOORIN: Madam Inutz, niregaluhan ng house and lot ng manager bago pumasok sa ‘Pinoy Big Brother’

Tinawag pang lalampa-lampa ni Brenda si Alexa at wala umanong ibang ginawa kung ‘di kumain at magtago ng pagkain. 

“’Yun lang 'yung sa play, kanta lang, sirena siya. Walang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH, laging lampa. Sa lutuan naman, walang kwenta, panay pa tago ng tinapay tsaka itlog, panay lamon pa. Kapag kumakain, hindi nagpapaalam. 'Yun lang ambag niya love team love team, pero siya laging nase-save,” ani Brenda Mage. 

Samantala, hati naman ang opinyon ng mga netizens. May ilang nagsasabing mali umano ang ginagawa nila Madam Inutz at Brenda na pambabackstab at mayroon namang nagsasabi na marahil ay totoo ang sinasabi nila dahil sila ang mas nakakaalam sa mga nangyayari sa loob ng bahay.