• Home
  • Fresh Scoops
  • Winwyn Marquez, ikinuwento kung ano ang naging reaksyon nina Alma Moreno at Joey Marquez sa kanyang pagbubuntis.

Winwyn Marquez, nagbigay pa ng ibang detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis

Winwyn Marquez, ikinuwento kung ano ang naging reaksyon nina Alma Moreno at Joey Marquez sa kanyang pagbubuntis.

Winwyn Marquez, nagbigay pa ng ibang detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/19/2021 03:29 PM
Winwyn Marquez, nagbigay pa ng ibang detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis

Buntis ang dating beauty queen at aktres na si Winwyn Marquez. Ito ang kinumpirma niya sa entertainment press sa ginanap na presscon ng pelikulang Nelia na pinagbibidahan niya at masuwerteng nakapasok sa 2021 Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong Pasko.

“Yes, I’m actually expecting. I am pregnant!” bungad na pahayag ni Winwyn. 

“I tried to… siyempre gusto ko muna siyang itago hanggang hindi pa sure lahat, di ba? I want it to keep it for me and for my family to enjoy muna pero syempre hindi ko rin naman ini-expect na lalabas ang Nelia sa MMFF.


“And I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi mahirap din naman talagang itago. Kailangan ko rin talagang tulungan yung film to promote kahit online at gusto ko rin talagang makapunta sa presscon and be with everyone, di ba, kahit medyo nag-a-adjust pa yung body ko with everything.

“I’m actually on my second trimester, medyo sa dulong-dulo na kaya medyo kabado kasi siyempre hindi rin ako lumalabas masyado,” pahayag pa ni Winwyn.

READ: Winwyn Marquez, malaking challenge bilang aktres ang role sa bagong pelikula

Sa tanong kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend ay hindi naman ito direktang sinagot ni Winwyn.

Aniya, “I’m happy. Kontento naman ako with my relationship. He is a private person kaya hindi ako makapag-share, saka gusto ko rin na siyempre may part naman na amin lang. Yon lang yung sa akin ngayon.

“Pero happy ako. Happy kami na we’re blessed of something na I really prayed for. Tapos binless pa ako ng isa pang baby which is Nelia na hindi ko rin naman in-expect na makakapasok. 

“So blessing after blessing and happy ako na finally nasabi ko na sa inyo kasi ang hirap pag tinatanong ako hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi ang hirap mag-lie, pero it’s not a secret anymore.

“Yes, I am expecting and I’m very very excited sa dalawang Christmas gift na I couldn’t ask for more talaga – Nelia na first title role ko and then now title role of being a mother.”

READ: Winwyn Marquez reveals she is pregnant: ‘We’re over the moon!’

Naglabas din ng video sa YouTube si Winwyn tungkol sa kanyang pagbubuntis kung saan nakita ang reaksyon ng parents niyang sina Alma Moreno at Joey Marquez.

“Pati sila excited, sobrang excited. My mom (Alma Moreno) parang gulat na gulat siya. Yung daddy (Joey Marquez) ko naman excited na lagi akong makasama. My dad was crying pa nga do’n sa ini-release kong video sa YouTube.

“Bakit nga ba siya umiiyak? Hindi ko alam kung natakot ba siya o nagulat siya kasi matagal niya na ring ina-ask sa akin at sa partner ko na gusto na niya ng apo, and they’re very happy.

“Sabi ko nga I’m not getting any younger, si daddy rin. Parang tingin niya yata sa akin ano pa din, eh, baby niya na… or gusto na ata niya talaga ng maliit na Winwyn kasi wala na siyang baby ngayon kaya siguro ganun yung reaksyon niya,” huling pahayag ng 2017 Reina Hispanicoamericana.