• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala si Toni Gonzaga na si Melai Cantiveros ang kanyang lucky charm sa pelikula.

Melai Cantiveros ipagpoprodyus ni Toni Gonzaga ng sariling pelikula

Naniniwala si Toni Gonzaga na si Melai Cantiveros ang kanyang lucky charm sa pelikula.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/18/2021 03:14 PM
Melai Cantiveros ipagpoprodyus ni Toni Gonzaga ng sariling pelikula
Photo credit: @celestinegonzaga and @mrandmrsfrancisco Instagram

Hindi nakakaramdam ng pressure ang magkapatid na Toni at Alelx Gonzaga kahit kasali sa 2021 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa mismong araw ng Pasko (December 25) ang kanilang peliulang Exorsis.

“Kahit nung unang beses na sumali kami sa MMFF (Mary, Marry Me), para hindi kami ma-pressure ni Alex, ang lagi naming pinag-uusapan, ‘Naalaala mo, Catherine (real name ni Alex), nung bata tayo, lagi tayong pumipila pag MMFF sa Sta. Lucia East Grand Mall,’” pagre-recall ni Toni.

“Tapos the mere fact na makita lang namin yung poster natin na nakahilera sa mga pelikula na pagpipiliang panoorin sa MMFF, parang we’ve come a long way. Yon lagi ang sinasabi ko sa kanya. ‘Imadyinin mo, Catherine, dati nanonood lang tayo ng MMFF, ngayon isa na tayo sa pagpipilian sa MMFF.’


“Mas iniisip namin na magpasalamat na lang dahil kasama kami sa choices. Dati kami yung nanonood, ngayon kami na yung napapanood. Mas yon ang iniisip namin ni Alex,” katwiran ng Pinoy Big Brother host.

READ: FIRST LOOK: Toni and Alex Gonzaga in MMFF entry ‘The ExorSis’

Ganito rin halos ang reaksyon ni Toni na aminadong nung simula ay hindi talaga nila alam kung saan ipapalabas ang natapos nilang horror-comedy film.

Aniya, “Ito pong movie namin ginawa po namin ito last year. Wala po kaming idea kung saan talaga siya totally lalabas, parang hindi namin alam. Gumawa lang kami ng movie tapos bahala na kung saan namin siya ilalabas.

“So ngayon po na nakasama kami sa MMFF at sa lahat ng nangyari na magbubukas na yung sinehan parang very excited po kami talaga ng kapatid ko kasi hindi na namin in-expect na makikita pa namin ito sa movie house. Kasi feeling namin kailan pa mababalik ang movie house, so the fact na balik-sine na lahat at napasama pa kami sobrang okey na yon.”

May itinuturing namang lucky charm si Toni sa dalawang magkasunod nilang MMFF movie. Ito raw ay ang isa nilang kasama sa Exorsis na si Melai Cantiveros.

“Si Melai ang lucky charm namin. Nasasama kami sa filmfest pag nandiyan si Melai,” sambit pa ng actress-TV host.

Ibinahagi rin ni Toni na dahil sa sobrang pagkabilib nila kay Melai ay binabalak nilang ipag-produce ito ng pelikula.

“Ako, si Toni, kami talaga sobra kaming naniniwala kay Melai. Lagi yan, lagi naming sinasabi yan sa kanya pag nakakausap namin siya. Kahit nung nagsusyuting kami palagi naming sinasabi sa kanya yung appreciation namin at paghanga namin sa kanya. Alam ni Melai yan na kami talagang dalawa ni Alex ay mga Melai fanatics talaga.

“Kahit sa pagho-host niya, sabi ko, ‘Melai sobrang natural mo, sobrang galing mo. Nakakabilib ka!’ Kasi si Melai, sa tagal niya sa industriya na-keep niya yung kanyang core kaya talagang pagaling lang siya nang pagaling sa tagal ng panahon,” lahad ni Toni.

Patuloy pa niya, “Super dream namin yan na bigyan siya ng pelikula. Lagi naming dini-discuss ni Alex yan na actually yon talaga ang dream namin yung ipag-produce si Melai. Nagpapa-submit na kami ng mga scripts for her tapos for pitching na lang yan.”

Tila hindi naman makapaniwala ang dating PBB Big Winner sa tinuran ni Toni.

“Actually, Sir Leo, sina Ate Toni talaga at Alex grabe talaga sila sa akin. Kaya minsan nga nahihiya na ako. Grabe, yung feeling ko talaga sa kanila, parang hindi talaga ako… Kahit naman hindi nila ako bigyan ng pelikula. Hay naku, hindi ko na talaga alam, over-over na yan.”

Ang Exorsis na idinirek ni Fifth Solomon at ire-release ng Viva Films ay isa lamang sa walong pelikulang ipalalabas sa Dec. 25.